Calida sa pagtanggi sa ABS-CBN franchise: “Naihain ang hustisya”

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Solicitor General Jose Calida

Pinuri ni Solicitor General Jose Calida, na naunang naghain ng petisyong quo warranto laban sa ABS-CBN, ang desisyon ng Kamara na tanggihan ang pagbibigay ng panibagong prangkisa sa network.

Ayon kay Calida,  mahusay ang ginawang pagdinig ng mga mambabatas at inilarawan ito bilang “patas, komprehensibo, at mabusisi”.

Justice has been served (Naihain ang hustisya),” ani Calida.

Sa botong 70-11, tinanggihan ng Committee on Legislative Franchises ng Kamara ang hiling ng ABS-CBN na mabigyan ng panibagong prangkisa, na nagresulta sa permanenteng pagpapasara ng network.

Ang resulta ng boto ay nangangahulugan sa pagkawala ng trabaho ng mahigit 11,000 na mga manggagawa sa ilalim ng ABS-CBN group of companies, partikular na sa serbisyong broadcasting kung saan naaabot nito ang nasa 80 milyong Pilipino sa bansa at abroad.

Ayon kay Calida, inaprubahan ng inilabas na resolusyon ng Kamara ang kanyang mga argumento sa kanyang inihaing petisyon sa Korte Suprema laban sa network.

Nagpasalamat naman ang Solicitor General sa 70 na mambabatas na bumoto laban sa ABS-CBN at iginiit na hindi nito sinusupil ang karapatan sa malayang pamamahayag o press freedom, bilang pagtugon sa kaliwa’t-kanang pambabatikos sa desisyon ng Kamara.

LATEST

LATEST