SWS Survey: 75% ng mga Pinoy, pabor sa ABS-CBN franchise renewal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Napag-alaman ng isang Social Weather Stations (SWS) survey na tatlo sa apat na Pilipino o 75 porsyento ng mga rumesponde ay pabor sa panukalang pagbibigay prangkisa sa network na ABS-CBN, at mahigit kalahati sa mga ito ay kinonsidera ang pagtanggi sa ABS-CBN franchise bilang pagsupil sa kalayaan ng pamamahayag.

Sa National Mobile Phone Survey ng SWS na kinuha mula Hulyo 3 hanggang 6, habang pinagdedebatihan sa Kamara ang isyu ukol sa ABS-CBN, 13 porsyento naman ang hindi sumang-ayon sa pagbibigay ng prangkisa sa network. 10 porsyento naman ang hindi tiyak.

Pinakamataas sa mga sumang-ayon sa ABS-CBN franchise renewal ay nagmula sa Mindanao sa 80 porsyento, sinundan ng Visayas sa 77 porsyento, 74 posyento sa Balance Luzon, at 69 porsyento sa Kalakhang Maynila.

Mas mataas ang porsyento sa mga pook rural sa 81 porsyento kumpara sa mga pook urban na nasa 70 porsyento lamang.

Samantala, 56 porsyento ng mga sinurvey ay nagsabing ang non-renewal ng ABS-CBN franchise ay pagsupil sa malayang pamamahayag, habang 27 porsyento naman ang nagsabing wala itong epekto sa press freedom. 15 porsyento naman ang hindi tiyak.

Ang SWS July 3-6, 2020 National Mobile Phone Survey ay isang probability-based survey na gumamit ng mobile phone at computer-assisted telephone interviews ng 1,555 adult Filipinos sa buong bansa. Ang naturang survey ay may sampling error margins ng ±2 porsyento para sa national percentages; ±6 porsyento para sa Metro Manila; at ±5 percent sa Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

LATEST

LATEST

TRENDING