Cayetano, pinabulaanan si Robredo: “Hindi po natutulog sa pansitan ang Kongreso”

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: politics.com.ph

Pinabulaanan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga pamumuna ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo tungkol sa mga maling prayoridad umano ng Kamara sa gitna ng pandemiya.

“Hindi po natutulog sa pansitan ang Kongreso,” ani Cayetano.

Dagdag pa niya, “I say this for the benefit of our Vice President who, despite appearing to be clueless as to the real work of this Congress has done, nonetheless feels it’s her duty to instruct this House on how it should conduct its business (Sinasabi ko ito sa pangalawang pangulo na bagama’t walang alam sa mga ginawa ng Kongreso, pakiramdam niya ay dapat niyang turuan ang Kamara kung paano gawin ang tungkulin nito)”.

Ayon kay Robredo, walang pagmamadali ang pamahalaan noong naitala ang unang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Giit niya, “So sana, halimbawa sa Congress, sana imbes na pinag-uusapan iyong mga bagay na hindi naman nakakatulong, sana ito na iyong ginagawa, ‘di ba?”

Bilang pagdepensa, binanggit naman ni Cayetano na tinalakay din ng Kamara ang iba pang mga usaping may kinalaman sa pandemiya bagama’t mas nabigyan ng atensyon ang tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN.

“Nung hindi namin tine-take up ang ABS-CBN, sabi ng Pangalawang Pangulo, I-take up na ito kaagad. Ngayon na tine-take-up natin, marami daw mas importante,” wika ni Cayetano.

Bukod sa Bayanihan to Heal as One Act, binigyang diin ni Cayetano na inaprubahan ng Kongreso ang ilang mga panukala alinsunod sa pagresponde sa Covid-19 pandemic katulad ng Covid-19 Related Anti-Discrimination Act, Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy of the Philippines Act, at ang Covid-19 Unemployment Reduction Economic Stimulus Act.

“Ginagawa po namin ang trabaho namin. Hindi lang nagla-live sa TV lahat ng aming mga hearings,” wika ng House Speaker.

Sinabi rin ni Cayetano na inatasan niya ang public affairs bureau ng Kamara na bigyan ang Office of the Vice President ng mga mahahalagang bills.

LATEST

LATEST