Piolo sa kanyang Sagada trip: “Hindi ito tungkol sa pangulo”

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Piolo Pascual

Iginiit ng aktor na si Piolo Pascual na mali ang mga paratang na siya ay tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil lamang sa kanyang desisyon na tulungan si Direktor Joyce Bernal na mag-shoot ng footage para sa State of Nation Address (SONA) ng pangulo.

Naglabas ng pahayag si Pascual noong Hulyo 9 tungkol sa kanyang kontrobersyal na biyahe sa Sagada at Banaue habang idiniin na hindi ito sumasalamin sa kanyang pananaw sa politika at hindi ito nangangahulugang tinalikuran niya ang ABS-CBN.

My loyalty has been with ABS-CBN since I was born in this business (Nasa ABS-CBN ang katapatan ko dahil dito ako pinanganak sa industriyang ito),” ani Pascual.

Dagdag pa niya, “My trip to Sagada had nothing to do with the government (Ang pagpunta ko sa Sagada ay walang kinalaman sa pamahalaan).” 

I haven’t met the President personally and I don’t do politics as some may know (Hindi pa kami nagkita ng pangulo at hindi ako pumapasok sa politika),” paliwanag ng aktor bago sabihing tinutulungan lamang niya si Bernal.

This isn’t about the President (Hindi ito tungkol sa pangulo),” pagbibigay diin ni Piolo.

Naunang nagtrend online si Pascual dahil sa pagsama nito kay Bernal na siyang direktor sa mga SONA videos ni Duterte simula noong 2018.

Bagama’t ang naratibo ng mga balita ay ang hindi pagpapahintulot sa kanilang mag-shoot dahil sa paghihigpit bunsod ng Covid-19, naging usap-usapan din ang tila pagsuporta ni Pascual sa pamahalaan sa kabila ng isyung kinakaharap ng kanyang network na ABS-CBN.

LATEST

LATEST

TRENDING