DOH: Randomized testing sa mga komyuter, malabong mapatupad

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Michael Varcas (The Philippine STAR)

Nagpahayag ng agam-agam ang Department of Health (DOH) noong Hulyo 8 tungkol sa rekomendasyong random testing ng mga komyuter.

“Hindi ko pa alam kung kakayanin iyan ng ating sistema iyong sinasabing randomized testing,” wika ni DOH spokesperson Maria Rosario Vergeire bilang pagtugon sa mungkahi ng mga mananaliksik mula University of the Philippines (UP), matapos magpositibo sa Covid-19 ang mahigit 100 na MRT-3 personnel.

Dagdag ni Vergeire, “Our testing is a point in time event, so kapag tinest kita ngayon, maaaring bukas may bago ka nang exposure. Itetest ba kita ulit?”

Gayunpaman, titignan pa rin umano ng ahensya ang panukala ng UP OCTA Research group.

Samantala, pumalo na sa mahigit 50,000 ang bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa. Nakapagtala ang DOH ng nasa 1,000 hanggang 2,000 na backlogged at “fresh” cases sa nakalipas na mga araw.

Ayon ka Vergeire, ang nararanasang pag-akyat sa bilang nga Covid-19 cases ay bunsod umano ng community transmission at pagsuway ng publiko sa health protocols.

LATEST

LATEST