Maria Ressa, ibubunyag umano ni Duterte bilang “manloloko”

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Aaron Favila (AP Photo)

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na ibubunyag niya bilang “manloloko” ang kanyang kritiko na si Rappler CEO Maria Ressa.

Wika ni Duterte, “General Galvez, General Lorenzana, General Año, they have served the country and they are still serving the country (nanilbihan sila at patuloy na nagsisilbi para sa bansa). Why would they destroy their name (Bakit mo sisirain ang pangalan nila?”

“‘Yung madudumi ang isip, pag sabi na may price difference eh tingnan mo muna yung history,” dagdag pa ng pangulo.

Giit niya, “If you judge us the way… then one of these days we will also judge you in the same way and with more ferocity. And it will come… tayong mga politko, it will come just be careful (Kung huhushagan mo kami… huhusgahan ka rin namin nang mas matindi. Darating ito… mag-ingat na lang)”.

Bago pangalanan si Ressa, sinabi ni Duterte na nakatanggap siya umano ng mga folder na naglalaman ng impormasyon.

You will have a dose of your own medicine one of these days. I am not threatening you. Go ahead and expose anything about corruption (Matitikman mo rin ang nararapat para sa’yo. Hindi kita pinagbabantaan. Ipagpatuloy mo lang ang pagbubunyag ng mga katiwalian),” ani Duterte.

“Ressa is a fraud. Give us time. It’s too early for you to enjoy yung mga award, award mo. You are a fraud. We are just compiling. Some day in bold letters, we will show your incongruity. You are a fraud (Manloloko si Ressa. Bigyan mo kami ng oras. Maaga pa para sa’yo para i-enjoy mo yung mga parangal mo. Kumakalap lang kami ng impormasyon. Isang araaw, malalaman ng lahat na manloloko ka),” pagbibigay diin ng pangulo.

Noong Hunyo, iginiit ni Ressa na kasinungalingan ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sinusuportahan umano ni Duterte ang kalayaan sa pagpapahayag.

Ayon sa pinuno ng Rappler, may “patterns” umano sa mga isinasagawang hakbang ng pangulo sa tuluyang pagpapatahimik sa Rappler.

Nahalutang guilty sa kasong cyber libel sina Ressa at ang dating mananaliksik nitong si Reynaldo ng Manila Regional Trial Court Branch 46 noon ding Hunyo. Nananatili naman silang malaya matapos maghain ng post-conviction bail.

Noong 2019, nasangkot ang dalawa sa reklamo ng negosyanteng si Wilfredo Keng dahil umano sa walang basehang artikulong inilathala ng Rappler tungkol sa mga paratang laban sa kanya.

LATEST

LATEST

TRENDING