Richard Gutierrez, mapapanood na sa ‘Ang Probinsyano’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

May bago nang magbabanta sa pagmamahalan nina Cardo at Alyana sa ABS-CBN primetime series na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Sa isang Instagram video na shinare ng Dreamscape Entertainment, ipinahayag ng aktor na si Richard Gutierrez ang kanyang pagsali sa “Ang Probinsyano” at kung ano ang kanyang nararamdaman sa bago niyang “pamilya”.

“Ang character ko dito ay si Angelito. Lumaki na maraming paghihirap na pinagdaanan. Ang tanging taong nagpapasaya sa kanya at minamahal niya ay yung character ni Alyana (Yassi Pressman),” ani Gutierrez.

Dagdag pa ng aktor, “Ikinagagalak ko na maging bahagi ng ‘Ang Probinsyano.’ Alam naman natin na Ang Probinsyano, sa generation namin, ay isang haligi sa action at sa teleserye. Excited ako bilang actor na maging bahagi ng ganitong klaseng show na ilang taon nang tumatakbo and yet number one pa rin”.

Ayon kay Gutierrez, ito ang unang beses na makakatrabaho niya si Coco Martin at excited na umano siya para sa mga manonood na maipakilala ang kanyang karakter.

Aniya, “Bilib na bilib ako kay Coco dahil mahirap yung ginagawa niyang trabaho bilang isang director at isang artista. Sobrang bilib ako sa energy na binibigay niya at sa passion na binibigay niya sa project na ito,” he said.

Mapapanood ang unang eksena ni Gutierrez sa “FPJ’s Ang Probinsyano” sa Lunes, Hulyo 6.

LATEST

LATEST

TRENDING