NAIA, naglagay ng 2000 na mga karagdagang upuan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Makakaasa ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng karagdagang mga upuan dahil sa pagdating ng 2,000 na mga upuan noong Hulyo 2 Terminals 2 at 3.

Ayon kay Consuelo Bungag, Manila International Airport Authority (MIAA) Public Affairs Department’s officer-in-charge, ang mga biniling upuan ng MIAA ay ilalagay sa loob at labas ng Terminal 2 at 3.

The terminal (managers) would determine (where these would be placed) based on the need to deploy them. Because with the limited flights that we have (now), we have enough seats so far (Ang mga terminal managers ang magpapasya kung saan ilalagay ang mga upuan. Dahil sa limitadong bilang ng mga flights sa ngayon, sapat ang bilang ng mga upuan),” dagdag pa ni Bungag.

Sa kanyang public address noong Hunyo 30, tinalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isyu tungkol sa kakulangan ng mga upuan sa pangunahing paliparan ng bansa. Ipinag-utos nito ang pagbibigay ng karagdagang upuan at ang posibleng pagtanggal ng ilang mga restawran upang magamit ang espasyo ng mga pasahero.

Noong Hulyo 1, nag-ikot naman sa NAIA si Transportation Secretary Arthur Tugade. Nang makita ang sitwasyon ng mga stranded na pasahero, ipinag-utos nitong pahintulutan munang tumuloy sa loob ng paliparan ang mga may nakanselang flights.

Iginiit ni Tugade na dapat pangalagaan ang kapakanan ng mga stranded na pasahero. Idiniin din nitong bibigyan ng prayoridad ang kapakanan ng mga pasahero sa halip na makipagdiskusyon sa mga airlines kung kaninong responsibilidad ang magbigay ng pagkain para sa mga pasahero.

Ipinag-utos din ng kalihim ang paglalagay ng mga upuan sa concessions na hindi ginagamit

LATEST

LATEST