Mayor Isko, ipinagmalaki ang mga napagtagumpayan sa unang taon ng panunungkulan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso (kaliwa) at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan (kanan)

Ipinagmalaki ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga nagawa ng pamahalaang lokal ng Maynila sa pagpapalakas ng ekonomiya at pagtatatag ng imprastraktura sa unang taon niya bilang alkade, habang binanggit din ang mga ginawang hakbang para labanan ang Covid-19 pandemic.

Sa kanyang ikalawang State of the City Address noong Hulyo 2, ipinahayag ni Yorme na bagama’t nasa gitna ng pandemiya, matatag umano ang estado ng lungsod at tiyak na maayos ang hinaharap nito. Iginiit ng alkalde na kumalap pa rin ng kita ang Maynila kahit na naipit sa pandemiya.

“Pinakasamakit, habang pa-take off pa lang tayo tinamaan tayo ng pandemya, huminto ang mundo , pero magkaganun pa man nakuha pa natin itaas ang income, bagay na aking ipinagpapasalamat sa mga empleyado ng lungsod ng Maynila,” wika ni Yorme

Alinsunod sa kanyang pangako noong kampanya, nagbigay din ng tax amnesty si Domagoso para sa mga hindi makapagbayad ng buwis. Nakuha rin aniya ng kanyang administrasyon ang tiwala at respeto ng mga creditors at mga negosyante.

Ayon sa kanya, maraming mga negosyo ang nagbukas sa Maynila sa unang taon ng kanyang pamumuno, na resulta umano ng paglulunsad ng ilang mga inobasyon sa pagpapabilis at pagpapagaan ng pagproseso ng mga transaksyon sa negosyo.

Batay sa datos ng Manila Bureau of Permits, 8,665 na mga bagong negosyo ang narehistro habang 51,022 naman ang nag nag-renew ng kanilang mga permits.

Dagdag pa ni Yorme, “Since July 1 of 2019, nagbunga po ng PHP76,492,349,723.87 ang total investment ng private sector sa ating lungsod”.

Sa ilalim ng liderato ni Domagoso, tumaas din ng P693 milyon ang kinita ng lungsod kumpara sa nagdaang administrasyon mula Hulyo 2018 hanggang Mayo 2019. Umabot sa P12.441 bilyon ang kinita ng Maynila batay sa datos ng city treasurer’s office.

Samantala, mas napabilis naman ang transakyon ng mga residente ng Maynila sa pamahalaang lokal sa paglunsad ng “Go! Manila” application.

“Wala nang pila, wala nang cueing, walang cut-off. Hindi mo na kailangan umabsent sa trabaho, kung nasaan ka man sa mundo,” ani Domagoso. 

Balak namang ipagpatuloy ni Yorme ang pagpapatayo ng imprastraktura sa Maynila kung saan ilan na sa mga ito ang nasimulan na tulad ng modernisasyon ng Ospital ng Maynila; vertical housing programs na “Tondominium” at “Binondominium”; at ang “bagong” Manila Zoo na puwede umanong ihalintulad sa Singapore.

Dagdag pa ng alkade, “In a few days, we will groundbreak the new Muslim Cemetery in Manila (Sa mga susunod na araw, magdadaos tayo ng groundbreaking para sa bagong Muslim Cemetery sa Maynila)”.

Bibigyang prayoridad din ni Yorme ang rehabilitasyon ng mga at paggawa ng mas maraming green spaces sa lungsod. Ang ilan sa mga ito ay ang Jones Bridge, ang Kartilya ng Katipunan, at ang Mehan Garden.

 “Taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyo for passing the ordinance that I requested. Hindi na maibebenta ang Aroceros Park katulad ng binalak ng iba,” wika ng alkalde sa mga miyembro ng city council. 

Samantala, ibinahagi rin ni Mayor Isko ang mga naging hakbang para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa lungsod.

Aniya, “Kaya ang sabi ko, hanapin niyo lahat ang Wanted sa Maynila”. 

Batay sa datos noong Hulyo 2, sinabi ni Domaoso na nakapag-aresto ang Manila Police District (MPD) ng 898 wanted persons, kung saan 173 sa mga ito ay kabilang sa “most wanted persons” ng Maynila.

Nakapagsabat din umano ang MPD ng mahigit P96 milyong halaga ng shabu, P2.9 milyong halaga ng marijuana, P13,204.80 na halaga ng ecstasy, P3,922 na cocaine, at P277,529 na halaga ng illegal gambling equipment.

“Walang puwang ang droga sa Maynila. Walang puwang ang mga kriminal sa Lungsod ng Maynila,” pagbibigay diin ni Yorme.

LATEST

LATEST

TRENDING