Roque: Mga dayuhan, bawal pa ring pumasok sa Pilipinas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Juancho Gallarde (PNA)

Hindi pa rin pinapayagan ang pagpapapasok ng mga dayuhan sa bansa habang nagpapatuloy ang banta ng Covid-19, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Paglilinaw ni Roque, “Ang desisyon po ay ‘wag munang papasukin ang mga dayuhan bagamat bumuo ng technical working group para tingan kung talagang merong urgency na papasukin lalong lalo na po ‘yung mga dayuhan sa Build, Build, Build,”.

Ito ay nangangahulugang bawal pa rin ang pagpasok ng mga dayuhan sa bansa maliban na lamang sa mga diplomats at mga banyagang asawa ng mga Pilipino.

Ayon kay Roque noong nakaraang linggo, kinonsidera umano ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang posibilidad ng pagpapapasok ng mga dayuhang nagnanais na maghanap buhay o di kaya ay maging permanenteng residente sa bansa – alinsunod sa hiling ng ilang embahada.

Nagpahayag din ng parehong saloobin ang mga lider ng Southeast Asia noong 36th ASEAN Summit, na muling buksan ang rehiyon para sa mga business travelers.

Gayunpaman, kanselado pa rin ang mga commercial international flights simula noong Marso, nang magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon.

Subalit, pinayagan naman ang ilang chartered flights para maiuwi ang ilang overseas Filipino workers (OFWs) na naipit sa ibang bansa bunsod ng pandemiya.

LATEST

LATEST

TRENDING