IATF, pinaigting ang laban kontra Covid-19 sa Lungsod ng Cebu

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Screengrab mula sa video ng OPAV

Upang matugunan ang pagtuloy na paglobo ng mga kaso ng Covid-19 sa Lungsod ng Cebu, mas pinaigting pa ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagresponde nito sa pandemiya sa lungsod.

Iginiit ni Department of Health Secretary (DOH) Francisco Duque III ang kahalagahan sa pagsusuot ng face mask.

Aniya, “One imperative is the use of masks. There has been a study that a mask will give 85 percent protection. This is part of the new normal (Isa sa mga pinakamahalagang bagay ay pagsusuot ng face masks. May pag-aaral na nagsasabing magbibigay ito ng 85 porsyentong proteksyon. Bahagi ito ng new normal)”.

Idiniin ng kalihim na mahalaga ang pagsunod sa containment measures upang mabawasan ang paglaganap ng coronavirus sa pamamagitan ng mga mekanismong itinatag ng IATF at DOH.

We have to be proactive, which means we need to do active case findings in the communities. Find the suspects and the probable. Those with symptoms (you have to) isolate them right away. Those without symptoms (put them under) quarantine (Kailangan nating maging proactive at magsagawa ng active case findings sa mga komunidad. Hanapin ang mga suspek at probable. ‘Yung mga may sintomas, i-isolate kaagad. Ang mga asymptomatic naman, ilagay sa quarantine),” ani Duque.

Idinagdag din nitong kailangang paigting ng lungsod ang testing capacity nito. Magdedeploy rin ang ahensya ng karagdagang 40 na doktor kung saan 19 sa mga ito ay ipapadala sa mga pampublikong ospital habang ang 21 naman ay idedestino sa Covid-19 infirmaries.

Samantala, magpapadala naman ang Philippine Society of Medical Specialists ng 22 na doktor bukod sa limang naunang ipinadala sa lungsod para tumulong sa laban kontra Covid-19.

Nagdeploy naman ang DOH-7 ng 270 nurses sa mga pampribadong ospital sa Metro Cebu. 

Nauna namang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Environment Secretary Roy Cimatu, para pangasiwaan ang mga ipinatutupad na hakbang ng pamahalaang nasyonal para tugunan ang Covid-19 krisis sa lungsod.

Ayon kay Cimatu, nagkaroon na ng progreso tungkol sa pagpapatupad ng mga minimum health standards sa mga barangay ng lungsod.

Dalawang punong barangay ang sinampahan ng show-cause order dahil sa pagpapahintulot ng mass gatherings sa Barangay Calamba at San Nicolas. Sinampahan naman ang mga ito ng kaso kasama na ang iba pang sangkot na opisyal.

Noong Hunyo 30, inanunsyo na Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Cebu City hanggang Hulyo 15 habang ang mga lungsod ng Mandaue, Lapu-Lapu at Talisay kabilang na ang mga bayan ng Minglanilla at Consolacion ay nananatili sa general community quarantine (GCQ).

Nasa modified GCQ naman ang natitirang bahagi ng lalawigan ng Cebu.

Samantala, sinabi naman ni National Task Force Against Covid-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. na nagtitirik sila ng mga tents malapit sa mga emergency rooms ng mga ospital.

LATEST

LATEST

TRENDING