Duterte, pinirmahan na ang Anti-terror bill upang maging ganap na batas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 3 ang kontrobersyal na Anti-terror bill na naglalayong paigtingin ang pagsupil sa terorismo bagama’t mariin itong tinutulan ng ilang mga grupo at netizens dahil baka gamitin umano ito sa pagpapatahimik sa mga kritiko ng pamahalaan.

Ang nasabing bill ay pinirmahan ni Duterte ilang araw bago ito kusang maisabatas makalipas ang 30 araw mula noong Hunyo 9 kung kailan ipinadala ng Kongreso ang bill sa Malacañang.

Ayon sa mga kritiko, delikado raw ang pagsasabatas sa Anti-terror law sapagakat maaari itong gamitin bilang sandata sa pag-abuso ng mga karapantang pantao dahil sa hindi malinaw na kahulugan ng “terorismo”.

Nanawagan ang mga tutol sa bill gamit ang hashtag na #JunkTerrorBill upang ipakita ang kanilang hindi pagsang-ayon sa panukala. Naglunsad din ng signature campaigns ang ilang mga grupo para ipanawagan ang pagbabasura ng bill.

Ang pagsasabatas sa Anti-Terror law ay kasabay nang patuloy na pagsugpo ng pamahalaan sa mga aktibidad ng terorimso, kabilang na ang kidnappings at bombing operations ng grupong Abu Sayyaf, isang grupong terorista ayon sa United Nations.

LATEST

LATEST

TRENDING