Binay: Maaga pa para sabihing nanalo tayo sa laban kontra Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Senador Nancy Binay

Hindi sinang-ayunan ni Senador Nancy Binay noong Hulyo 1 ang naunang naging pahayag ng Malacañang na napagtatagumpayan na ng bansa ang laban kontra Covid-19.

Naunang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Hunyo 30 na “nanalo” ang bansa mula sa estimasyon ng University of the Philippines (UP) na 40,000 cases dulo ng Hunyo, dahil hindi umabot aniya sa 40,000 ang aktwal na bilang ng mga kaso sa pagtatapos ng buwan.

Tinuligsa naman ng dalawang senador at ng mga netizens si Roque at iginiit na hindi UP ang kaaway.

Parang it’s too early to say that we are winning because if we are winning (Napakaaga pa para sabihing nagwawagi tayo kasi kung ganoon) e di dapat may semblance of normalcy na tayo, lalong-lalo na dito sa Metro Manila,” ani Binay.

Dagdag pa niya, “Pero the mere fact that we’re still under general community quarantine, ibig sabihin no’n we are not winning the battle (Habang nasa general commnity quarantine pa rin tayo, nangangahulugan itong hindi pa tayo nagtagumpay sa laban)”.

Ayon sa senador, patuloy pa rin ang pag-akyat sa bilang ng mga kaso sa mga lokalidad, taliwas sa mga nangyayari sa mga karatig-bansa tulad ng Vietnam kung saan umabot na sa 0 ang arawang pagtaas sa bilang ng mga kaso.

Kalahati pa lang din aniya ang naaabot na target ng bansa na 32,000 tests kada araw at nananatili pa ring mahal ang presyo ng mga test kits.

LATEST

LATEST

TRENDING