WHO Chief: Mga bansa, walang rason kung bakit hindi magpapatupad ng contact tracing

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus
Kuha ni: Fabrice Coffrini (AFP/Getty Images)

Contact tracing ang pinakamahalagang hakbang sa pagsugpo ng Covid-19 pandemic at walang dahilan aniya ang mga bansang hindi magpapatupad nito, ayon sa pinuno ng World Health Organization (WHO).

Although many countries have made some progress, globally the pandemic is actually speeding up (Bagama’t maraming mga bansa ang nagpapakita ng progreso, bumibilis ang pandemiya sa katunayan),” ani WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Dagdag pa niya,  “We all want this to be over. We all want to get on with our lives. But the hard reality is that this is not even close to being over. Most people remain susceptible, the virus still has a lot of room to move (Gusto nating matapos ito kaagad at makabalik sa dati nating mga buhay. Subalit ang mapait na katotohanan ay malayo pa tayo sa dulo. Maraming mga tao pa rin ang nahaharap sa banta ng coronavirus).”

Ilang mga bansa kagaya ng South Korea ay epektibong natugunan ang paglaganap ng impeksyon dahil sa contact tracing ng mga Covid-19 positive patients, ayon kay Tedros.

Pagdiin nito, “No excuse for contact tracing. If any country is saying contact tracing is difficult, it is a lame excuse (Walang rason kung bakit hindi magpapatupad ng contact tracing. Kung may bansang nagsasabing mahirap itong gawin, hindi pa rin ito sapat na rason).”

Samantala, inanunsyo naman ni Tedros na magpapadala ang WHO ng grupo sa China sa susunod na linggo upang magsagawa ng imbestigasyon ukol sa pinagmulan ng pandemiya.

Aniya, “We can fight the virus better when we know everything about the virus, including how it started (Mas malalabanan natin ng mabuti ang virus kung alam natin ang pinagmulan nito)”.

Ayon naman kay US President Donald Trump at Secretary of State Mike Pompeo, posibleng nagmula ang sakit sa isang napabayaang laboratoryo sa Wuhan, China, bagama’t hindi nagpresenta ng ebidensiya ang mga ito sa kanilang pahayag. Itinanngi naman ito ng China.

Para naman sa mga siyentipiko, nanggaling ang coronavirus sa kalikasan.

Dating inanunsyo ni Pangulong Trump na balak nitong kumalas sa WHO dahil masyado aniya itong malapit sa China. Tinawag naman nitong “Kung Flu” ang coronavirus sa dalawang okasyon nitong buwan bilang pagtukoy sa pinagmulan nito.

Ito ay sa kabila ng naunang pahayag ng White House na hindi katanggap-tanggap ang terminong ito at racist umano ito ayon sa ilang Asian-American groups.

Nang tanungin tungkol sa paggamit ni Trump ng nasabing termino, nanawagan ang direktor ng WHO emergencies program na si Mike Ryan para isang “internasyunal na diskursong nakabatay sa respeto”.

LATEST

LATEST

TRENDING