Binay: Duque, hindi ang “right guy” para pangunahan ang Covid-19 response

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Hindi aniya si Department of Health (DOH) Secretary Fransico Duque III ang “right guy” para pangunahan ang laban sa Covid-19 pandemic bagama’t todo-suporta sa kalihim si Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Senador Nancy Binay noong Hulyo 1.

Noong Abril, naghain ng resolusyon si Binay at 13 pang mga senador upang ipanawagan ang pagbibitiw ni Duque sa puwesto dahil sa “kapalpakan ng liderato” nito sa pagtugon sa cornavirus krisis.

Gayunpaman, nananatili pa rin ang kumpiyansa at tiwala ng pangulo kay Duque.

“Kami sa Senado, majority of us already expressed our sentiments na baka he is not the right guy at the moment for us to solve this problem (karamihan sa amin ang nag-iisip na baka hindi siya ang tamang tao sa ngayon para lutasin itong problema),” ani Binay.

Dagdag pa niya, “I think my position is clear already, the mere fact that I signed the resolution calling for his resignation and I still stand by that decision (Sa tingin ko klaro ang aking tindig noong nilagdaan ko ang resolusyon upang ipanawagan ang kanyang pagbibitiw at nananatili ako sa posisyong iyon)”.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Office of the Ombudsman si Duque tungkol sa mga alegasyon ng overpriced coronavirus testing kits, pagkaantala sa pamimigay ng safety gear para sa medical workers, pagkukulang sa pagproseso ng benepisyo para sa mga tinamaang frontliners ng Covid-19, at ang nakakalitong pag-uulat sa datos ng Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING