Malacañang: Pamahalaan, “kontrolado” ang Covid-19 krisis

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperon Harry Roque

Kontrolado aniya ng administrasyong Duterte ang sitwasyon ng Covid-19 sa bansa, ayon sa Malacañang.

“Tama ba ang mga hakbang na ginawa ng ating gobyerno? Ang sagot po namin – opo,” giit ni Presidential Spokesperon Harry Roque.

“Hindi po tayo perpekto, siguro po talaga we could have done better (may mas nagawa pa sana tayo). Pero narito na po tayo and one thing I can assure you, the President did the very best that he can and we are in control of the situation (isang bagay na matitiyak ko, ginawa ng pangulo ang kanyang makakaya at kontrolado na ang sitwasyon ngayon),” dagdag pa niya.

Noong nakaraang linggo, tinuligsa ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo ang paghawak ng pamahalaan sa Covid-19 krisis at sinabing hindi ito naging maagap sa pagresponde sa pandemiya at tila “humahabol” lamang ito sa ibang mga bansa bagama’t naipatupad ang isa sa mga pinakamahabang lockdown sa mundo.

Ayon naman kay Roque, “Naiwasan po ang 3.6 million cases ng Covid. Ang ating ginagawa po ngayon ay sinisiguro natin na habang wala pa pong bakuna eh mapapabagal natin iyong pagkalat ng sakit dahil kinakailangan eh bigyan natin ng medical assistance ang ating mga kababayan kapag sila po ay nagkasakit”.

In terms of positivity rate, in terms of case doubling rate, in case of mortality rate – we are winning po...We have limited the cases to 35,000 instead of what could have been at least 3 million cases (Batay sa positivity rate, doubling rate, at mortality – tayo po ay nagwawagi… Nalimitahan natin ang mga kaso sa 35,000 sa halip na umabot ito sa 3 milyong kaso),” pagdidiin ng tagapagsalita ng pangulo.

Ayon sa datos noong Hunyo 28, pumalo na sa 35,455 ang bilang ng Covid-19 cases sa bansa. Sa bilang na ito, 1,244 na ang nasawi habang 9,686 naman ang gumaling.

Sa pagtatapos ng mga umiiral na quarantine protocols sa Martes, Hunyo 30, inaasahang mag-aanunsyo sa Pangulong Rodrigo Duterte ng mga pagbabago sa nasabing mga patakaran sa parehong araw.

LATEST

LATEST