Bong Go: Pagsunod sa quarantine protocols, susi sa pagpigil ng Covid-19 infections

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Senador Bong Go

Habang wala pang bakuna kontra Covid-19, idiniin ni Senador Bong Go ang kahalagahan ng pahihigpit sa mga ipinatutupad na quarantine protocols upang matiyak ang pagpigil sa paglaganap ng nakamamatay na sakit.

Sinabi ito ni Go, na siyang chairman ng Senate Health and Demography Committee, matapos inilabas ng World Health Organization (WHO) ang huling datos kung saan ipinapakitang ang Pilipinas ang pinakamataas na pag-akyat sa bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa 22 bansa sa Western Pacific Region.

Wala pang bakuna at gamot sa sakit na ito. That is why strict enforcement of existing measures and proper compliance of everyone are very crucial (Kaya naman ang striktong pagpapatupad ng mga quarantine protocols at ang pagsunod dito ay lubusang mahalaga),” ani Go.

Ang tanging paraan aniya upang mapabagal ang paghahawaan sa Covid-19 ay ang pakikipagkooperasyon ng taumbayan sa pamahalaan.

Aniya, “Kung susunod po tayo sa mga patakaran at patuloy tayong magtutulungan para maiwasan ang pagkalat ng sakit, kung mas maisasaayos rin ang ating health facilities and capabilities — ito po ang mga tanging makakapagsabi kung kailan natin malalampasan at tuluyang matapos ang krisis na dulot ng Covid-19”.

Nanawagan naman ito sa pamahalaan na paigitingin ang programang Project T3 (Test, Trace, Treat) ng Department of Health (DOH)  at Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID na naglalayong palawakin ang national testing capacity sa 50,000 tests bawat araw sa dulo ng buwan.

“Habang tumataas ang kaso ng Covid-19, mas tumataas rin dapat ang quarantine, contact tracing, at necessary treatment capabilities natin,” ayon kay Go.

Samantala, itinutulak naman ng senador ang agarang pagpasa sa “Bayanihan to Recover as One” o “Bayanihan II”.

Giit ni Go, “We need to immediately pass the (Kailangan ang agarang pagpasa ng) Bayanihan to Recover as One bill. Hanapan dapat ng paraan na mapondohan ang mga programang kinakailangan upang maitigil na ang pagkalat ng sakit, mailigtas ang mga naghihirap na Pilipino, at makabangon muli ang ekonomiya ng bansa”. 

“Sa anumang mga hakbang na gagawin ng gobyerno at pati ng mga ordinaryong mamamayan, palagi nating unahin ang buhay at kapakanan ng kapwa nating Pilipino,” dagdag pa nito. 

Ayon sa datos ng WHO, nakapagtala ang bansa ng 8,143 coronavirus cases simula Hunyo 16, ang pinakamataas sa 22 bansa sa rehiyon. Pumangalawa naman ang Singapore sa 2,351 habang ang China naman ay 302.

Gayunpaman, sinabi ng DOH na hindi dapat ihambing ang Pilipinas sa ibang mga bansa sapagkat iba ang estado nito sa populasyon, kondisyon, at kapasidad ng healthcare system.

Our socioeconomic context, particularly living conditions, as well as health system capacity, even prior to Covid, is different from Singapore. Please take that into account when we do our analysis. Let us not cherry pick the countries we want to compare ourselves to (Ang socioeconomic na estado, partikular na ang antas ng pamumuhay, kabilang na ang sistemang pagkalusugan, kahit bago pa man ang Covid, ay iba sa Singapore. Ikonsidera po natin ito kapag nagsasagawa ng pagsusuri. Huwag nating piliin ang mga bansang ihahambging natin sa Pilipinas),” ayon sa ahensya.

Ipinaliwanag ng DOH na may 5.9 milyong populasyon ang Singapore, na may 43,246 cases. Ang Pilipinas naman ay may 109 milyong populasyon sa 34,803 cases batay sa datos noong Hunyo 28.

Per 1 million people, Singapore has a higher case at 7,393 cases per 1 million population compared with Philippines at 318 cases per 1 million population (Sa bawat isang milyong katao, may mataas na kaso ang Singapore sa 7,393 cases sa bawat isang milyong populasyon kumpara sa Pilipinas na may 318 cases sa bawat isang milyong populasyon),” dagdag pa ng DOH.

Kasalukuyan aniyang tinutugunan ng DOH ang pag-akyat ng critical care utilization sa pamamagitan ng augmentation ng equipment at mga tauhan; at pagtiyak na marerespondehan nito ang posibleng pagtaas sa bilang ng mga kaso.

LATEST

LATEST

TRENDING