Año: Cebu City, bagong sentro ng Covid-19 sa bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: AFP

Ang Lungsod ng Cebu na ang bagong sentro ng Covid-19 pandemic sa bansa, ayon sa Vice-Chairperson ng National Task Force kontra Covid-19 na si Interior Secretary Eduaro Año.

Nakapagtala ng 131 na mga panibagong kaso ang lungsod noong Linggo, Hunyo 28.

Somehow we’re able to contain in the whole country but of course in the National Capital Region and Cebu we have to do more. Particularly Cebu, it’s the epicenter now compared to Metro Manila in area and population (Natugunan natin ang buong bansa subalit kailangan pa rin nating paigitingin ang pagresponde sa NCR at Cebu. Partikular na ang Cebu, ito na ang sentro kumpara sa Metro Manila sa area at populasyon),” ani Año.

Yes, more likely because of the rate of infection in Cebu City. Just 1 city if you compared with Metro Manila where we have 17 LGUs… We’re referring to Cebu City. Cebu City is getting a lot of new cases and we’re worried on the number of deaths also (Oo, dahil sa rate ng impeksyon sa Cebu City. Isang lungsod kung ikukumpara mo sa Metro Manila na may 17 LGUs… Tinutukoy natin ang Cebu City.  Nagkakaroon ng maraming kaso ang lungsod at nababahala rin kami sa bilang ng mga nasasawi),” dagdag pa nito nang tanungin kung ang Cebu City ang bagong virus epicenter sa bansa.

Magtutungo rin aniya sa lungsod ang ilang mga opisyal upang maghanap ng mga lugar na puwedeng gawing isolation facilities dahil karamihan ng mga kaso umano ay dahil sa mga pasyenteng nananatili sa bahay, ani Año.

Paglilinaw niya, “We can’t be sure if those patients are observing proper protocols of home quarantine. So better to extract them out of the community to ensure safety of the families and neighborhood (Hindi tayo makatitiyak kung sinusunod ba nila ang tamang protocols ng home quarantine. Kaya mas mabuting ilipat sila para matiyak ang kaligtasan ng pamilya at kapitbahay)”.

Ang pagtaas ng bilang sa lungsod ay dahil umano sa pagiging kampante ng mga tao, at pag-uwi ng mga OFWs at locally stranded individuals (LSIs) mula sa ibang lugar.

We’d also like to enjoin and ask the people to observe the health standards protocols. There are so many people violating the quarantine protocols, not wearing masks, not observing physical distancing. In fact there was even a fiesta celebration the other day in Barangay Basak, San Nicolas (Inaanyayahan namin ang taumbayan na obserbahan ang health protocols. Napakaraming lumalabag ng quarantine protocols, hindi nagsusuot ng masks, walang physical distancing. Sa katunayan, may piyesta noong nakaraan sa Barangay Basak, San Nicolas),” pagdiin nito.

Samantala, nagpadala naman aniya ng 32 na karagdagan medical workers ang DOH upang punan ang pagkukulang sa kapasidad ng lungsod. Papaigtingin din aniya ang pagpapatupad ng lockdown ng mga pulis at militar. Nagpalipad din ng mga drones para mabantayan ang lungsod mula sa himpapawid.

Kinokonsidera rin ng mga awtoridad na gawing designated Covid-19 center ang Talisay District Hospital, ayon kay Año.

LATEST

LATEST

TRENDING