Bagama’t nagwakas na ang pagiging epektibo ng Republic Act No. 11469 o ang “Bayanihan to Heal as One Act” noong Hunyo 25, mananatili pa rin ang implementasyon ng mga quarantine protocols kontra Covid-19, ayon sa Malacañang.
“Although the law has lapsed, it is not accurate to state that the government can no longer enforce curfews or any prohibitions on mass gatherings. As we previously articulated, local ordinances that remain in effect may still be enforced (Bagamat nagtapos na ang batas, hindi tamang sabihin na wala nang kapangyarihan ang pamahalaan na magpatupad ng curfew at pagbabawal sa mass gathering. Katulad ng dating nabanggit, epektibo pa rin ang mga lokal na ordinansa),” ani Presdential Spokesperson Harry Roque.
Sinabi ito ni Roque matapos ang mga naging komento ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pagiging epektibo ng sunset clause sa RA 11469. Ayon kay Drilon, hindi na maaaring arestuhin ang mga lumalabag sa quarantine sa hudyat na pagtatapos ng Bayanihan Law.
Sa ilalim ng Bayanihan Act, mahaharap sa dalawang buwang pagkakabilanggo o di kaya ay pagbabayarin ng P10,000 hanggang P1 milyong multa ang sinumang lalabag sa mga ipinatutupad na panuntunan ng community quarantine.
Bagama’t ilang beses na nanawagan ang Palasyo sa Kongreso na palawigin ang Bayanihan Act, hindi ito nakapagpasa ng panukala bago mag-adjourn sine die ang sesyon noong Hunyo 6.
Ayon kay Roque, kahit na nagwakas na ang Bayanihan Act, magpapatuloy pa rin aniya ang administrastyong Duterte sa pagpapatupad ng mga habkang at palisiya upang tugunan ang Covid-19 pandemic.
Giit niya, “The President continues to exercise all and every means at his disposal to protect public safety and the lives of our citizenry in the state of public health emergency and the state of calamity which unquestionably exist to this day (May kapangyarihan pa rin ang pangulo na gumawa ng mga hakbang para protektahan ang kaligtasan at kapakanan ng taumbayan sa gitna ng state of public health emergency at state of calamity na nananatili pa rin hanggang ngayon)”.