Angel Locsin, bumuwelta sa mga pumupuna sa kanyang katawan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: kickerdaily.com

Nagulat ang mga netizens nang mag-viral kamakailan ang mga larawan ng aktres na si Angel Locsin na kinunan mula sa taping ng kanyang programang “Iba ‘Yan” sa ABS-CBN.

Makikita ang naging paglaki ng katawan ng “real-life Darna” na taliwas sa nakagisnang hubog ng kanyang katawan na alam ng publiko.

Samu’t-saring mga reaksyon naman mula sa mga netizens ang naidulot ng paglipana ng mga larawan ng aktres sa social media.

Bagama’t marami ang nagpahayag ng magagandang komento tungkol sa kanya, hindi pa rin nakaiwas si Angel sa mga masasakit na komento mula sa ilan.

Binasag naman ni Angel ang kayang katahimikan hinggil sa mga komentong ito sa pamamagitan ng pagpost ng isang mensahe sa kanyang Facebook page.

Aniya. “May mga bagay kasi na hindi mo dapat gawin sa kapwa mo. Kung ang taong ito comfortable siya sa ginagawa niyang ‘yan, ayaw kong mag-deal sa mga gano’ng klaseng tao. Kasi sad ang life niya. Kasi ako, wala akong problema. Bakit ikaw? Ang dami mong isyu? Ako nga, walang isyu eh. Katawan ko ‘to. Ako ‘to. Sarili ko ‘to”.

Dagdag pa ni Locsin, “Eh ikaw? Ok ka ba?”

Noong 2015, nagkaroon si Angel ng disc bulge, dahilan na nagtulak sa kanyang pumunta sa Singapore noong 2016 para magpa-opera. Simula  noon, naging limitado na ang mga aktibidad ng aktres at hindi na ito maaaring magsagawa ng mga mabibigat na ehersisyo katulad ng pagtalon at pagtakbo. Posibleng ito ang dahilan kung bakit nagbago ang kanyang katawan.

LATEST

LATEST

TRENDING