Malacañang: Media personnel, frontliners na rin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Philippine Competition Commission

Itinuturing nang frontliners ang mga miyembro ng media sa laban kontra Covid-19 at maaari na rin silang sumailalim sa RT-PCR testing na babayaran ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang testing sa mga media practitioners ay kabilang sa diagnostic services ng PhilHealth sa ilalim ng Universal Healthcare Law.

Aniya, “Para sa mga kasama natin sa media, pati kayo itatrato na frontliners at susubukan natin na lahat ng miyembro ng media ay ma-test na din via PCR”. 

Ang reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) ay itinuturing na gold standard sa larangan ng Covid-19 testing.

Kabilang ang mga reporters, cameramen, production crew, at newsroom staff sa bagong inilabas na panuntunan.

Binanggit naman ni Covid-19 Task Force Deputy Chief Implementer Vince Dizon na maaaring magtungo ang mga media practitioners sa mga pampubliko at pampribadong laboratoryo ng Philippine Red Cross.

LATEST

LATEST

TRENDING