Kamara, magkakaroon ng special session para sa pagpasa ng Bayanihan Act 2

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
House Speaker Alan Peter Cayetano

Nakatakdang magsagawa ng special session ang Kamara upang mabigyang daan ang pagpasa sa Bayanihan to Recover as One Act o ang Bayanihan Act 2 na naglalayong palawigin ang mga ipinatupad na hakbang kontra Covid-19 kabilang na ang social amelioration program (SAP).

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, kinakailangang ipasa ang House Bill 6953, na layuning palawigin ang Bayanihan to Heal as One Act hanggang Setyembre 30. Balak din daw itong pondohan ng mula P140 bilyon hanggang P200 bilyon.

Nangako naman si Cayetano na magtatatag ng mga mekanismo para paigtingin ang distribusyon sa SAP, partikular na sa pamamahagi ng ayudang pinansyal sa ilalim ng Bayanihan Act 2.

Ipinasa ng House committee of the whole ang HB 6953 noong Hunyo 3 bago mag-adjourn sine die ang Kongreso.

Ayon kay Deputy Speaker LRay Villafuerte, co-author ng bill, malaki ang maitutulong ng panukalang batas sa pagpapatuloy sa pagbibigay ng tulong sa mga Pilipino sa panahon ng pandemiya habang wala pang natutuklasang bakuna kontra Covid-19.

This (Bayanihan Act 2) contains similar provisions as contained in the Bayanihan To Heal as One Act. But this is a new and enhanced version – meaning we have put in improved (and) enhanced provisions that will help the economy bounce back and help our people, also the affected sectors, cope with COVID-19 (Ang Bayanihan Act 2 ay may kaparehong probisyon sa Bayanihan Law. Subalit, enhanced at bago ang bersyon ng Bayanihan Act 2 sapagkat matutulungan nitong makabangon ang ekonomiya at matulungan ang mga apektadong sektor laban sa Covid-19),” ani Villafuerte.

Sa ilalim ng HB 6953, P162 bilyon ang ilalaan para suportahan ang operasyon at pagresponde ng pamahalaan laban sa Covid-19 krisis, bilang dagdag sa P275-bilyong pondo ng Bayanihan Law na ngayon ay wala nang bisa.

Sa ilalim ng panukala, ipagpapatuloy din ang pamamahagi ng P5,000 hanggang P8,000 na ayuduang pinansual para sa mga kapos-palad na pamilya, mga OFWs, at mga manggagawang no-work-no-pay tulad ng freelancers at self-employed na mga indibidwal.

Nakasaad din sa panukala ang pagbibigay ng isang buwang ayuda para sa mga mahihirap na pamilyang hindi naisama sa implementasyon ng SAP sa ilalim ng unang Bayanihan Law.

Sa Bayanihan Act 2, P18 bilyon ang ilalaan sa implementasyon ng cash-for-work program at ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD); P5 bilyon para sa implementasyon ng Assistance to Individuals in Crisis Situation Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD); at P21 bilyon para sa unemployment o involuntary separation assistance para sa mga apektadong manggagawa sa health, education, tourism, culture at arts, creative industry, transportation at iba pang apektadong sektor.

Magkakaroon din ng P50 bilyon para sa pagbibigay ng kapital sa mga government financial institutions; P21 bilyon bilang suporta sa sektor ng agrikultura; P21-bilyon sa mga apektadong negosyo at sa sektor ng transportasyon, at sa paggawa ng mga sidewalks at bikelanes; P10 bilyon para pondohan ang Tourism programs ng tourism industry, P3-bilyong tulong sa mga state universities and colleges; at P1-bilyon sa Technical Education and Skills Development Authority para sa pagtatag ng smart campuses.

Maglalaan din ang bill ng P12 bilyon para sa procurement ng polymerase chain reaction testing and extraction kits, suplay at materyales para sa Covid-19 testing, at sa pagpapaigting sa kapasidad ng Department of Health (DOH) sa pagbibigay serbisyo.

LATEST

LATEST

TRENDING