Duterte sa South China Sea isyu: Iwasan ang pagpapalala sa tensyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
President Rodrigo Roa Duterte gives his intervention as he joins other leaders from the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) member countries during the 36th ASEAN Summit video conference at the Malago Clubhouse in Malacañang on June 26, 2020. Malacañang photo

Kasabay ng pangangamba tungkol sa mga isidente sa South China Sea, hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kapwa miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), partikular na ang mga sangkot sa tensyon sa South China Sea, na iwasan ang mga gawaing magpapalala pa sa tensyon at tiyaking susundin ang kanya-kanyang responsibilidad sa ilalim ng international law.

Sa pagdalo niya sa 36th ASEAN Summit sa pamamagitan ng video conference, binigyang diin ni Duterte ang pangangailangang sumunod sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Sa kasakulukuyang sigalot sa pagitan ng Estados Unidos at China, nanawagan ang pangulo sa ASEAN na manatiling nagkakaisa.

Ayon sa Malacañang, inatasan aniya ng mga ASEAN leaders ang mga ministers na magbalangkas ng isang comprehensive recovery plan.

Napagkasunduan ng mga lider ang 12 outcome documents, kabilang ang ASEAN Leaders’ Vision Statement on “Cohesive and Responsive ASEAN, ASEAN Declaration on Human Resource Development for the Changing World of Work, Work Plan of the ASEAN Plan of Action to Prevent and Counter the Rise of Radicalization and Violent Extremism 2019-2025, Terms of Reference of the ASEAN Technical and Vocational Training Council, at iba pa.

Kinilala rin ng mga lider ang paglalabas ng Hanoi Plan of Action on Strengthening ASEAN Economic Cooperation at Supply Chain Connectivity in Response to the COVID-19 Pandemic mula sa ASEAN Economic Ministers. Nagtatag din sila ng ASEAN Response Fund.

Ang 36th ASEAN Summit, na pinangungunahan ng Vietnam, ang kauna-unahang summit na ginanap sa pamamagitan ng videoconference.

Other than COVID-19, the issue of South China Sea was also discussed. They have a common stand on the need to focus on crafting the Code of Conduct at South China Sea to prevent conflict, and the need for everyone to follow the rule of law, particularly the UN Convention on the Law of the Sea (Bukod sa Covid-19, tinalakay din ang isyu sa South China Sea. Nagkaroon ng iisang tindig sa pagbabalangkas ng Code of Conduct at South China Sea upang mapigilan ang pagsiklab ng kaguluhan, at upang mas mapaigting ang pagsunod sa batas, lalo na ng UNCLOS),” pahayag naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ikinabahala naman ni Duterte at ilang mga lider ang isyu tungkol sa terorismo, habang dalawa naman sa mga lider ang nagtalakay sa patuloy na pag-abuso aniya sa mga karapatang pantao ng mga Rohingya.

Napag-usapan din umano ng mga lider ang agarang pagkakaroon ng economic integration sa rehiyon upang maisakatuparan ang mabilis na pagbangon nito mula sa Covid-19 pandemic.

LATEST

LATEST

TRENDING