Duterte: Pagsuporta ng Kongreso, kailangan sa laban kontra Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Buo ang paniniwala ni Pangulong Rodrigo Duterte na susuportahan ng mga mambabatas ang administrasyon sa paglaban ng pamahalaan sa Covid-19.

Ayon sa Malacañang, binanggit aniya ng pangulo na kakailanganin nito ang tulong ng mga mambabatas. Sinabi ito ng pangulo matapos magbigay pugay sa Kamara sa pagsasabatas sa Republic Act 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act na nagwakas noong Hunyo 25.

Covid-19 is likely to stay with us in the foreseeable future. As we transition to the new normal and move towards recovery, we will once again need the support of the legislative branch (Posibleng manatili ang Covid-19 nang matagal. Sa pagtungo natin sa new normal at sa muling pagbangon, muli naming kakailanganin ang pagsuporta ng Kongreso),” ani Duterte.

Ayon sa pangulo, ilan sa mga dapat tutukan ang institusyonalisasyon ng national preparedness at response mechanisms para sa pandemiya at iba pang sakuna.

Iminungkahi rin ni Duterte ang paglikha ng Medical Reserve Corps.

Kailangan din aniyang amyendahan ang Labor Code sa papamagitan ng pagpapaigting sa social protection system at pag-update sa economic regulations upang iayon sa panahon ng digital economy.

Ilang beses nang ipinahayag ng Malacañang na kakailangangin ang pagpapalawig ng iginawad na emergency powers kay Duterte sa ilalim ng Bayanihan Law upang mas maging epektibo ang pagtugon ng pamahalaan sa laban kontra Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING