Ginastos ng pamahalaan sa Covid-19, aabot na sa P355 bilyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Aabot na sa P355 bilyon ang ginastos ng Pilipinas para pagresponde ng pamahalaan sa Covid-19 pandemic, ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado.

Sa halahang ito, P247.52 bilyon ay nagmula sa pooled savings habang P96.7 bilyon naman ay nagmula sa unprogrammed appropriations, giit ng kalihim.

Aniya, “Patuloy pa po ang nakikita natin na gastusin ang ating kakaharapin dahil patuloy pa rin po ang epekto sa atin ng COVID-19”.

Sinabi naman ng Department of Finance (DOF) noong nakaraang linggo na nagbabalak kumalap ng P400 bilyon ang gobyerno sa pamamagitan ng pag-utang upang mapondohan ang iba’t-ibang hakbang sa pagtugon sa Covid-19 krisis.

Ang naturang pondo ay magmumula sa World Bank, Asian Development Bank, at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), ayon kay DOF Assistant Secretary Antonio Lambino.

Iginiit naman ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno na kinakailangan ng karagdagang pondo ng bansa upang makapaglikha ng mga trabaho.

LATEST

LATEST