Sa kauna-unahang pagkakataon, kinanta ng aktres na si Kim Chiu ang kanyang sikat na awiting “Bawal Lumabas” sa variety show na “ASAP Natin To” ng ABS-CBN noong Hunyo 21.
Halatang nag-enjoy naman si Kim sa pagkanta at pagsayaw ng kanyang viral hit sa mala-classroom na stage.
Hango ang “Bawal Lumabas” sa nag-viral na komento ni Chiu bilang pagdepensa sa pagpapasara ng kanyang kinabibilangang TV network na ABS-CBN.
Ginawang katatawanan ang “Bawal Lumabas” dahil sa hindi maitindihang analohiya ni Kim tungkol sa “batas” ng classroom.
Ayon sa aktres, ang pamba-bash ay isa aniya sa mga pinakamalungkot na bahagi ng kanyang buhay kung saan napilitan siyang pansamantalagang lumayo muna sa social media.
Gayunpaman, marami raw natutunan si Chiu sa pangyayaring ito at isa rito ang amining nagkamali siya. Sinabi rin nitong mas natutunan din niyang maging mas mahinahon at kalmado sa kanyang mga bashers.
Sa kasalukuyan, mapapakinggan ang “Bawal Lumabas” sa mga digital platforms katulad ng Spotify, iTunes, Amazon, Apple Music, YouTube at Deezer.