Mga pasahero ng motorcycle taxis, kailangang magbibit ng sariling helmet

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: PNA

Kinakailangang magbitbit ng sariling helmet bilang kabagi ng patakarang pangkaligtasan ang mga pasaherong sasakay sa mga motorycle taxis kung papayagan na itong magbalik-operasyon.

Puspusan ang paghahanda ng mga ride-hailing na kumpanya tulad ng Angkas at Joyride habang patuloy na pinag-aaralan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang muling pagpapahintulot sa mga itong magbalik-operasyon.

Isa sa mga kaakibat na safety measures sa pagbabalik-pasada ng mga motorcycle taxis ay ang kautusan sa mga pasaherong magdala ng sariling helmet maliban sa iba pang safety protocols katulad ng disinfection at pagsusuot ng face masks.

Dapat po ‘yong pasahero natin ay magdala ng sarili niyang helmet at sarili niyang face mask,” ani George Royeca ng Angkas.

Dagdag pa nito, maglalagay din aniya ng mga harang ang mga units ng Angkas sa pagitan ng pasahero at drayber – ang “Angkas shield”.  Isinumite na ng kumpanya ang panukalang ito sa IATF.

Samantala, sinabi naman ni JoyRide Vice President for Corporate Affairs Noli Eala na mayroon din silang sariling bersyon ng divider na yari sa ballistic nylon fiber. Umaasa si Eala na muling papayagang magbalik-pasada ang mga motorycle taxis.

Ipinagbawal ang motorcycle taxi services ng pamahalaan alinsunod sa pagbabawal ng Department of Transportation (DOTr) sa pag-angkas o back-riding upang mapigilan ang paghahawaan sa Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING