Mga guro sa DepEd: I-extend ang work-from-home setup

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Jojo Riñoza (Manila Bulletin)

Nanawagan ang grupong Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa Department of Education (DepEd) na i-extend ang work-from-home setup para sa mga guro, dahil sa pangambang maaaring mahawa ang mga ito sa Covid-19 kung ipag-uutos ang pisikal na pagpasok sa mga paaralan sa ilalim ng bagong work arrangement.

We are in the belief that requiring teachers to report to school beginning Monday, June 22 is unnecessary, impractical and will just place them and other people in a health hazard (Naniniwala kaming ang kautusang pagpapapasok sa mga guro sa paaralan simula Lunes, Hunyo 22, ay hindi nararapat at impraktikal, at maaaring maharap lamang sila sa banta sa kalusugan),” pahayag ng TDC.

Dagdag pa nito, “again, we call on [Education] Secretary Leonor Briones to order the field offices of DepEd from regions to schools to halt teachers’ reporting on Monday and extend the work from home arrangement until physical reporting is necessary and possible (muli, nananawagan kami kay Secretary Briones na ipatigil ang pagpapapasok ng mga guro sa Lunes at i-extend ang work from home arrangement hanggan’t maaari)”.

Magwawakas ang work-from-home arrangement para DepEd personnel, kabilang ang mga pampublikong guro sa Linggo, Hunyo 21. Panibagong mga panuntunan at work arrangements na inaprubahan ng mga undersecretaries, assistant secretaries, at regional directors ang ipatutupad sa Lunes, Hunyo 22.

Ayon sa TDC, naunang nagpadala ng liham sa DepEd ang gurong si Emmalyn Policarpio upang humingi ng extension sa work-from-home arrangement.

Iginiit ni Policarpio na ipag-utos sa kanya at sa mga kapwa guro pumasok sa kani-kanilang mga paaralan sa Lunes bagama’t walang transportasyon para sa mga walang sariling sasakyan.

Ang ipatutupad na work arrangements ng mga opisyal ng DepEd ay nakadepende rin aniya sa community quarantine classification ng lokalidad, batay sa huling inilabas na department order.

Samantala, tinaggihan din ng grupo ang alok ng Government Service Insurance System (GSIS) na magbigay ng loans para sa kanila upang makabili sila ng gadyet para sa online learning.

Ayon kay TDC Chaiperson Benjo Basas, magiging sakit sa bulsa lamang ang loan, na aabot sa P20,000, sa mga guro sa hinaharap.

The offer from GSIS could only reinforce the culture of borrowing and will just worsen the economic woes of many of our teachers (Papaigtingin lamang ng GSIS ang kultura ng pangungutang at mas lalo lamang lalala ang problema sa bulsa ng ating mga guro),” wika ni Basas.

Iminugnkahi naman ni Basas na sa halip na mamigay ng loans, magbigay na lang aniya ang pamahalaan ng mga libreng laptop.

Kasalukuyang bumibili ang DepEd ng mga tablets, laptops at computers upang tiyaking handa ang mga pampublikong paaralan sa new normal sa sektor ng edukasyon.

Ipinagbabawal pa rin ang pisikal na pagdaraos ng klase hangga’t wala pang bakuna kontra Covid-19. Inaasahang gagamit ng online, printed at digital modules, radyo, at telebisyon ang mga paaralan sa pormal na pagbubukas ng klase sa Agosto.

Batay sa datos ng DepEd noong Hunyo 20, 13.2 milyong mag-aaral na ang nagpa-enroll sa mga pampubliko at pambripadong paaralan sa buong bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING