CSC: Online exams, isang opsyon para sa examinees

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: PNA

Hinikayat ng Civil Service Commission (CSC) ang mga professional examinees na ikonsiderang kunin ang online examination ng ahensya, habang ipinagbabawal pa rin ang pen and paper tests (PPTs) ngayong taon dahil sa pananalasa ng Covid-19 pandemic.

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, “Availment of the computer exams (Comex) is an option that examinees may consider. However, not all regional offices (ROs) are conducting Comex. In 2019, only eight regional offices conducted Comex: ROs 2,4,6,7,8,10, 11, and Caraga. In 2020, only ROs 4 and 8 have conducted Comex (Ang Comex ay isang opsyon na puwedeng ikonsidera ng mga examinees. Gayunpaman, hindi lahat ng ROs ay nagpapatupad ng Comex. Noong 2019, walong ROs lamang ang nagpatupad nito. Sa 2020, sa ROs 4 at 8 lamang naipatupad ang Comex).”

Dagdag pa nito, maglalabas daw ng advisory ang CSC sa mga ROs nito na ipatupad ang tests sa kani-kanilang mga rehiyon, at taasan naman ang bilang ng mga schedules para sa mga nagpapatupad na.

Iginiit ni Lizada na hanggang sa 10 examiness lang ang pinapayagan sa bawat schedule alinsunod sa kautusan ng The Inter-Agency Task Force (IATF).

Naunang naglabas si CSC Chairperson Alicia Dela Rosa-Bala ng advisory noong Hunyo 17, na nagkansela sa lahat ng PPTs para sa natitirang bahagi ng taon bunsod ng pandemiya.

Batay sa Examination Advisory No.06, s. 2020, “the GCQ/MGCQ (general community quarantine/ modified general community quarantine) shall be observed with new normal conditions such as physical distancing, reduced capacity of public transportation, and restriction on mass gatherings. In light of this, please be advised that the conduct of the civil service examinations via the pen and paper test (PPT) for CY 2020, is hereby canceled (Ang GCQ/MGCQ ay oobserbahan kaakibat ang mga new normal conditions katulad ng physical distancing, pagbabawas sa kapasidad ng pampublikong transportasyon, at paghihigpit sa mass gatherings. Dahil dito, kanselado na ang civil service examinations sa PPT para sa CY 2020)”.

Ang apektadong mga pagsusulit ay ang Fire Officer Examination, Penology Officer Examination, at Basic Competency on Local Treasury Examination na itinakda sa Hunyo 21.

Kanselado rin ang Aug. 9, 2020 Career Service Examination PPT Professional at ang Career Service Examination PPT Sub Professional; at ang Oct. 11, 2020 non-eligibility examination on Intermediate Competency on Local Treasury Examination, Pre-Employment Test, Promotional Test, at Ethics Oriented Personality Test.

Batay sa datos ng CSC, 293,845 katao sa buong bansa ang nagparehistro para sa March 15, 2020 CSE-PPT na itinakdang ganapin sa 66 testing locations sa buong kapuluan. Subalit, nakansela ito dahil sa pananalasa ng Covid-19 pandemic.

Sinabi rin ni Lizada na apektado rin ang iba pang programa ng CSC dahil sa lockdown katulad ng ilang exams, training programs, at iba pang mga aktibidad kabilang na ang pagdiriwang sa ika-120 na anibersaryo ng Civil Service sa Setyembre.

Sa isang resolusyon, itinakda sa 2021 ang mga nakanselang pagsusulit ngayong taon ani Lizada.

LATEST

LATEST

TRENDING