Gatchalian, iminungkahi ang pagtatayo ng cell site sa bawat pampublikong paaralan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Senador Sherwin Gatchalian

Iminungkahi ni Senador Sherwin Gatchalian sa mga telecommunication companies na mag-install ang mga ito ng cell sites sa bawat pampublikong eswkelahan sa bansa upang matiyak na may malawakang access sa internet para makatulong sa pag-aaral ng bawat estudyante.

We hit two birds with one stone. Since most, if not all, barangays nationwide have a public school, these schools provide viable spots for cell sites that would ensure nationwide internet access (Dahil halos lahat ng barangay sa bansa ay may pampublikong paaralan, ang pagtatayo ng cell site sa bawat isa ay makatutulong na maghatid ng internet para sa buong bansa),” wika ni Gatchalian, na pinuno ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture said.

Dagdag pa niya, “This proposal would also help accelerate the installation of free Wi-fi hotspots in the country’s public places, which would boost the capacity of schools to utilize distance learning in emergencies like the coronavirus disease (Covid-19) pandemic (Mapapabilis din ng panukalang ito ang pag-install ng libreng Wi-fi hotspots sa mga pampublikong lugar sa bansa, na makatutulong sa distance learning tuwing may emergency katulad ng Covid-19 pandemic.”

Ayon sa senador, malaki ang matitipid ng mga mag-aaral kung may internet sa kani-kanilang mga paaralan. Gamit ang datos ng Department of Education (DepEd), sinabi niyang 58 percent ng elementary schools, 80 percent ng junior high schools, at 72 percent ng senior high schools ang konektado sa internet.

Gayunpaman, ayon sa isinagawang mapping ng mga public schools at cell site towers ng Project Bandwidth and Signal Statistics (BASS), 44 percent o 20,398 public schools ang napag-alamang matatagpuan nang mahigit anim na kilomtero mula sa pinakamalapit sa cell site. Ibig sabihin, mahina o di kaya ay walang internet access ang mga paaralang ito.

Iginiit nitong ang katamtamang distansya ng paaralan sa pinakamalapit na cell site ay hindi lalagpas aniya ng tatlong kilometro.

“Moving forward, kahit wala nang Covid-19, importante ring pagsikapan nating maabot ang bawat isang kabahayan gamit ang internet, at mabigyan natin ang mga bata ng kagamitan, mga gadgets, para magamit nila sa pag-aaral,” ani Gatchalian.

LATEST

LATEST

TRENDING