Roque: Duterte, “kumikiling” na pirmahan ang Anti-Terror Bill

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

“Kumikiling” aniya si Pangulong Rodrigo Duterte na pirmahan ang ipinapanukalang Anti-Terror Bill, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kasalukuyang sinusuri ni Duterte ang bill, na naglalayong magpataw ng mas mahigpit na mga kaparusahan sa mga terorista at sa mga tumutulong magpalaganap ng mga aktibidad ng terorismo. Pinapahintulutan din ang pag-aresto at pagdetain ng walang warrant at kaso ng aabot sa 24 araw.

The enrolled bill is now in his desk. So let’s just say that he’s taking a final look at it (Nasa mesa na ng pangulo ang enrolled bill. Sabihin na lang nating sinusuri niya ito sa huling pagkakataon),” ani Roque.

But I think he is inclined to sign it (Sa tingin ko kumukiling siyang pirmahan ito),” dagdag niya.

Hindi naman nagbigay ng detalye ang tagapagsalita ng pangulo tungkol sa timeline ng pagpirma sa kontrobersyal na bill.

Ang panukalang batas na naglalayong palitan ang Human Security Act of 2007, ay umani ng batikos mula sa publiko tungkol sa hindi malinaw na mga probisyon nito na posible aniyang magdulot ng paglabag sa mga karapatang pantao. Maaari rin daw itong gamitin bilang sandata ng pamahalaan para patahimikin ang mga kritiko.

Pinabulaanan naman ito ng ilang opisyal at sinabing may sapat itong proteksyon na ibinibigay sa mga akusado.

Kasalukuyang hinihintay ng pangulo ang resulta sa pagreview ng Office of the Executive Secretary at ang mga komento mula sa Department of Justice na nagsagawa rin ng pagsisiyasat sa bill.

LATEST

LATEST

TRENDING