Ilang proyekto ng “Build, Build, Build”, balik-operasyon na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nakahanda na ang muling pag-arangkada, sa gitna ng Covid-19 pandemic, ng ilang bigating mga proyekto sa ilalim ng “Build, Build, Build” na programang pang-imprastraktura ng pamahalaan, ayon sa Malacañang.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, Kasama po sa ating stratehiya kung paano tayo babangon sa trahedya sa Covid-19 ang ‘Build, Build, Build’ at kasama na po diyan ‘yung mga flagship projects natin. All systems go para sa projects”.

Pinahintulutan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagbabalik-operasyon ng ilang malalaking proyekto ng “Build, Build, Build” bagama’t nananatili pa rin ang banta ng Covid-19.

In-allow na po ng IATF yung konstruksyon muli ng priority projects natin at lahat po iyan ay ongoing na ngayon,” ani Roque.

Ilan sa mga proyektong balik sa paggawa ay ang National Luzon Expressway (NLEX) Harbor Link, NLEX-SLEX Connector, Cavite-Laguna Expressway, Metro Manila Skyway Stage 3, R-1 Bridge Project, Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway Project, at ang Subic Freeport Expressway Project.

Nakipagkasundo rin ang Department of Finance (DOF) sa ilang loan agreements sa Japan International Cooperation Agency (JICA) para sa dalawang flagship infrastructure projects – ang P57-bilyong loan para sa Cebu-Mactan Fourth Bridge at Coastal Road Construction sa Visayas; at ang P18.5-bilyong supplemental funding para naman sa Davao City Bypass Construction Project.

Nagpahayag ng positibong pananaw ang pamahalaan na malaki ang maitutulong ng “Build, Build, Build” sa ekonomiya sa pamamagitan ng paglikha ng maraming trabaho.

Tinatayang aabot sa P1 trilyon ang gagastusin ngayong taon para sa implementasyon ng naturang programa.

LATEST

LATEST