Isinumite ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-12 na lingguhang ulat niya sa Kongreso noong Hunyo 15 alinsunod sa nakasaad sa Bayanihan to Heal as One Act. Narito ang ilang natatanging bahagi ng naturang ulat:
- 2% pa sa 17.9 milyong benepisyaryo mula sa unang bugso ng social amelioration program (SAP) ang hindi pa nakatatanggap ng ayudang pinansyal. Batay sa datos noong Hunyo 12, 17,654,832 beneficiaries ang nabigyan sa Assistance to Individuals in Crisis (AICS) Program ng Department of Social Welfare and Developments (DSWD). 291,722 benepisyaryo naman ang hindi pa nabibigyan. Aabot na sa P99.82 bilyon mula sa inilaang P100.98 bilyon sa unang bugso nga SAP ang naipapamahagi.
- Sa unang bugso ng Small Business Wage Subsidy (SBWS) program, 3.05 milyon o 98% ng 3.09 milyong benepisyaryo ang nakatanggap ng cash grants na aabot sa P22.78 bilyon.
- Ayon sa datos ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) noong Hunyo 11, June 11, 745 sa mga detainee nito ang nagpositibo sa Covid-19.
- 30 pampribadong paaralan ang interesadong mag-apply para sa “study now, pay later” program ng the Land Bank of the Philippines, na layuning tiyakin ang edukasyon ng mga mag-aaral sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic.
Basahin ang kabuuan ng ika-12 na ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso: