Popcom: Nararanasang “baby boom”, masama para sa ekonomiya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
POPCOM Executive Director Dr. Juan Antonio Perez III

Nangangamba ang pamahalaan na maaaring magpalala sa estado ng kahirapan sa bansa ang nararanasang pagtaas sa bilang ng mga hindi inaasahang pagbubuntis.

Ayon sa Commission on Population and Development (POPCOM), kalahati ng kababaihan sa bansa na nasa childbearing age ay walang access sa mga contraceptives.

200,000 na mga kaso ng hindi inaasahang pagbubuntis ang estimasyon ng POPCOM para sa bansa ngayong taon at karagdagang 200,000 rin sa susunod na taon.

1/3 sa badyet ng pamilya aniya ang tinatayang inilalaan sa pagbubuntis at panganganak. Subalit, dahil sa pagkawala ng hanapbuhay at pagbabawas sa suweldo ng marami bunsod ng pandemiya,  posibleng malagay sa alanganin ang mga hakbang ng pamahalaan kontra kahirapan dahil sa pagdami ng mga hindi inaasahang pagbubuntis.

Ayon kay Dr. Juan Antonio Perez III, POPCOM Executive Director, “Any increase in any newborn in a family, particularly if unplanned, makes the family deep into its savings (Ang anumang pagdaragdag ng sanggol sa isang pamilya ay maaaring magdulot ng madaling pagkaubos sa ipon ng pamilya).”  

Posible rin di umanong magkaroon ng karagdagang 500 maternal deaths dahil sa kakulangan ng serbisyo para sa mga nagbubuntis na nanay, dagdag pa ng POPCOM.

Batay naman sa datos ng United Nations, 7 milyon sa buong mundo ang posibleng magkaroon ng hindi inaasahang pagbubuntis dahil sa pagkaantala o pagkulang ng mga reproduction health services bunsod ng pananalasa ng Covid-19 pandemic.

LATEST

LATEST