Lacson: Covid-19 krisis, hindi matatapos dahil sa kapabayaan ng DOH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Senador Panfilo Lacson

Patuloy ang pagkadismaya ni Senador Panfilo Lacson tungkol sa kapalpakan aniya ng Department of Health (DOH) na pinapalala lamang ang krisis na dulot ng Covid-19.

Nangangamba ang senador dahil sa patuloy na pagtaas sa bilang ng mga Covid-19 cases sa bansa kahit na tatlong buwan na simula noong nagpatupad ng mga striktong quarantine protocols.

Ipinahayag ni Lacson na kabilang sa mga kapalkapakang ipinapakita ng DOH ay ang kakulangan sa Covid-19 testing at ang hindi maayos na pag-uulat sa bilang mga naitatalang kaso sa bansa.

Aniya, “It is a basic management principle to base a sound decision on accurate information. Sad to say, this is not the case (Isang pangunahing prinsipyo sa pamamahala ang pagdedesisyon batay sa wastong impormasyon. Subalit, hindi ito ang nangyayari)”.

Ayon naman kay Senate President Tito Sotto, ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya sa sitwasyong kinalalagyan natin.

Naniniwala si Sotto na natutugunan naman ng bansa ang krisis bagama’t naantala ang pagresponde sa pandemiya, lumaganap ang katigasan ng ulo ng mga Pilipino, at labis na kumalat ang virus di umano.

We can criticize but we also just have to try and help (Puwede tayong maging kritiko, subalit kinakailangan din nating tumulong),” giit nito.

Inamin naman ng DOH na nananatili ang mga problema sa operasyon nito.

“Ito pong mga operational issues natin, logistics-wise napakalaking bagay po sa amin. Mayroon ho tayong current international shortage on the different logistical supplies na kailangan ng isang laboratoryo na hindi ho madaling makuha sa panahong ito,” ani DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire.

Patuloy ang ahensya sa pagsasagawa ng emergency hiring ng karagdagang health workers para tugunan ang Covid-19 pandemic.

“So ngayon po nagha-hire na po talaga ng mga encoders para po sa mga laboratoryo, para po sa mga ospital, para po sa mga local government units para po makapag-encode nang maayos ng datos at maging real time ang information natin,” paliwanag ni Vergeire.

LATEST

LATEST

TRENDING