Duterte, bibili ng mga transistor radio para sa pag-aaral ng mga estudyante

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Transistor radio ang naiisip bilhin ni Pangulong Rodrigo Duterte para ipamahagi sa mga mag-aaral mula sa mga rural na komunidad ng bansa upang matulungan ang mga ito sa kanilang pag-aaral sa ilalim ng sistemang blended learning ngayong darating na pasukan.

Iginiit ng pangulo na hindi niya papagayan ang pagdaraos ng pisikal na klase hangga’t wala pang bakuna kontra Covid-19.

Nabahala rin si Duterte na baka hindi lahat ng mga mag-aaral sa bansa ay magkakaroon ng access sa mga kompyuter at iba pang teknolohiyang may kinalaman sa online leaning.

Aniya, “Now for the far-flung areas, meron siyang ano, ‘yun ngang kawawa diyan, may radyo sana, walang TV, walang cellphone. Ito yung mga mahirap. That is not the problem of the Department of Education, but the lack of communications, or how to get through the students, maski radyo lang”.

We will try to come up with something, maybe by the end of the week (Iisip tayo ng paraan sa dulo ng linggo). Wala na tayong pera ngayon, but I’d look for the money to buy transistor radios to be distributed all over the country (ngunit maghahanap ako ng pera para bumili ng transistor radios upang ipamigay sa buong bansa),” dagdag ng pangulo.

Naunang sinabi ng Department of Education (DepEd) na plano nitong humingi ng tulong mula sa mga istasyon ng telebisyon at radyo para maiere ang iba’t-ibang mga takdang aralin para sa mga mag-aaral ngayong darating na pasukan sa Agosto.

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, limitado lamang ang printed modules at hindi lahat ng mga guro’t mag-aaral ay may access sa kompyuter at internet para sa online classes. Kaya naman, “classic long-time approaches” ang gagamitin aniya sa pamamagitan ng programa sa TV at radyo.

Samantala, nagboluntaryo naman ang pampublikong istasyong People’s Television Network, na ipagamit ang mga pasilidad nito sa DepEd, habang ang isa pang pampublikong istasyong Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) ay nagboluntaryo naman sa pagpapagamit ng kanilang mga radio stations para sa edukasyon ng mga estudyante.

LATEST