Ayudang pinansyal para sa “waitlisted” beneficiaries, raratsada ngayong linggo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na uumpisahan nito ang pamamahagi sa una at pangalawang bugso ng social amelioration program (SAP) para sa limang milyong waitlisted na mga pamilya simula ngayong linggo.

“This week, we will start with the distribution ng first tranche and second tranche (Ngayong linggo, magsisimula ang distribusyon sa una at pangalawang bugso) para doon sa mga waitlisted o yung mga additional beneficiaries na hindi po nakatanggap ng ayuda mula nung una tayong nagpahatid ng SAP,”ani DSWD spokesperson Irene Dumlao.

Ayon sa ahensya, sumailalim sa validation ang listahan ng benepisyaryong isinumite ng mga lokal na pamahalaan alinsunod sa mga patarakan hinggil sa ayuda.

This is to ensure that the names listed in the certified list have not been recipients of other social amelioration programs implemented by other government agencies (Ito ay upang tiyakin na ang mga pangalang nakalista sa certified list ay hindi kabilang sa iba pang SAP ng ibang ahensya),” wika ni Dumlao.

Noong nakaraang linggo, simulan ng DWSD ang pamimigay ng pangalawang bugso ng ayudang pinansyal sa 1.3 milyong Pantawid Pamilyang Pilipino cash card holders.

Tinatayang kukumpletuhin ang pamamahagi ng ayuda sa dulo ng Hunyo gamit ang tulong ng ReliefAgad, isang online system para mas mapabilis ang pamimigay ng ayuda.

Well, before po matapos itong buwan na ito, tinitiyak po ng DSWD na matatapos ang distribution po ng second tranche,” giit ni Dumlao.

Ang isinabatas na Bayanihan to Heal as One Act ay nagpahintulot kay Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay ng ₱5,000 hanggang ₱8,000 na ayudang pinansyal para sa 18 milyong kapos-palad na pamilya sa loob ng dalawang buwan.

Noong Mayo, inanunsyo ng pamahalaan ang pagdaragdarag ng limang milyong pamilya na hindi napabilang sa distribusyon habang ang malaking bahagi ng bansa ay nasa ilalim pa ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

98% ng mga benepisyaryo ang nakatanggap mula sa unang alon ng ayuda.

Subalit, nagkaroon naman ng pagkaantala at katiwalian sa implementasyon nito.

LATEST