Arci Muñoz, sasabak sa reservist training ng Air Force

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Sasabak sa training ang aktres na si Arci Muñoz para maging reservist ng Philippine Air Force.

Sa kanyang Instagram account, pinost ng aktres ang larawan niya na nakasuot ang military fatigues, habang nakatayo sa tapat ng watawat ng bansa.

Aniya, Maligayang Araw ng Kasarinlan mahal kong Pilipinas! Ngayon araw din ang aking unang pisikal na pagsasanay bilang kaunaunahang Babae sa aking henerasyon at propesyon na sumasailalim sa #philippineairforce reservist BCMT- Basic Citizen Military Training. Hinihikayat ko po ang aking mga kapwa kababaihan na mag enlist. Marami pong salamat sa aking Philippine Air Force family. Asahan nyo po ang aking buong pusong dedikasyon at serbisyo.

Hindi si Muñoz ang kauna-unahang celebrity na sumabak sa pag-eensayo upang maging reservist sa militar. Noong 2019, ang aktor na si Matteo Guidicelli ang kauna-unahang silbilyang nagtapos bilang Army Scout Ranger at kinalauna’y naging 2nd lieutenant Army reserve sa parehong taon.

Ang aktor na si Gerald Anderson ay napabilang din sa Army reserve noong 2019, habang si Dingdong Dantes naman ay na-promote bilang Lt. Commander sa reserve force ng Philippine Navy.

LATEST

LATEST