Sa isang taped video message para sa paggunita ng Araw ng Kalayaan, nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa taumbayan na tularan ang ipinakitang kabayanihan ng mga bayani 122 taon na ang nakalilipas habang patuloy ang pagharap at paglaban ng bansa sa Covid-19 pandemic.
Aniya, “As we wage united battle against COVID-19, we now have the opportunity to demonstrate that we possess the same gallantry of spirit and the nobility of character as the heroes of our past. Let us now move forward with courage, hope, and optimism as we overcome this pandemic (Habang patuloy nating nilalabanan ang Covid-19, ipamalas nating ang kabayanihan at kahusayang ipinakita ng ating mga bayani noon. Umabante tayo nang may tapang, pag-asa, at optimismo sa paglaban natin sa pandemiya)”.
Hindi dumalo si Duterte sa seremonya ng Araw ng Kalayaan sa Luneta Park sa Maynila upang makaiwas sa mga malawakang pagtitipon habang patuloy na tinutugunan ng bansa ang banta ng Covid-19. Kasalukuyang nasa Lungsod ng Davao ang pangulo.
Dagdag pa niya, “I join all Filipinos in celebrating the 122nd anniversary of the Proclamation of Philippine independence. 122 years ago our forefathers proudly proclaimed the birth of the Filipino nation. Today, we honor them for their bravery, heroism, and sacrifice, as well as we thank them for the gifts of democracy and freedom (Kaisa ko ang mga Pilipino upang ipagdiwang ang ika-122 anibersaryo ng proklamasyon ng kalayaan ng ating bansa. 122 taon na ang lumipas mula noong isilang ang ating bansa. Ngayon, kinikilala natin ang ating mga bayani sa ipinamalas nilang katapangan, kabayanihan, at sakriprisyo, kabilang na ang pagpapasalamat para sa iniregalong demokrasya at kalayaan).”