Abogado ng “Cebu 8”, kakasuhan ang mga nang-arestong pulis

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ipinahayag ng National Union of Peoples’ Lawyers Cebu na magsasampa ito ng kaso laban sa mga pulis na nang-aresto sa walong katao habang nagpo-protesta laban sa ipinapanukalang Anti-Terrorism Bill noong nakaraang linggo.

Ang NUPL Cebu at mga katuwang na abogado na humawak sa kaso ng tinaguriang “Cebu 8”, ay naghahanda sa kanilang mga counter-affidavits na gagamitin sa paghain ng reklamo kontra sa mga nang-arestong pulis.

Kinilala rin ng mga abogado ang imbestigasyong inilunsad ng Commission on Human Rights (CHR).

Noong Hunyo 5, Inaresto ng mga pulis ang pitong raliyista at isang nakatambay, na saksi sa pagprotesta. Isang video mula sa ginawang pag-rally ang nagpakita sa mga ito na tumakbo paloob ng University of the Philippines (UP) Cebu campus upang makaiwas sa mga awtoridad.

Sila ay sinampahan ng kasong paglabag sa Section 13 ng Public Assembly Act of 1985 (B.P. 880); Section 9 (e) ng Law on Reporting of Communicable Diseases (R.A. No. 11332), at simple resistance and disobedience to an agent of a person in authority sa ilalim ng Article 151 paragraph 2 ng Revised Penal Code.

Ipinagtanggol naman ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Gamboa ang ginawang pag-aresto dahil sinubukan aniya ng mga raliyista ang pasensya ng mga pulis.

They are going too far already, which is tantamount to disobedience that’s why we caused the arrest (Sumobra na sila at katumbas ito ng disobedience kaya sila dinakip ),” ani Gamboa.

Sa ilalim ng kasunduan noong 1989 sa pagitan ng UP at ng Department of National Defense (DND) na mas kilala bilang Soto-Enrile accord, ipinagbabawal ang presensya ng mga pulis at militar sa kahit anumang UP campus hangga’t walang permiso mula sa UP administration.

Pinalaya naman ni Cebu City Municipal Trial Court in Cities Branch 4 Judge Jenelyn Villaceran ang “Cebu 8”, tatlong araw matapos silang i-detain.

Iniimbestigahan din ng mga abogado ang mga ulat ng harassment, kabilang na ang pamilya ng isang inaresto.

Initial reports show that two unidentified men visited [UP Diliman alumnus Al] Ingking’s residence at around 1 p.m. last Monday, June 8, hours before the eventual release of Cebu 8 on the same day (Ipinapakita ng mga inisyal na ulat na dalawang di-kilalang lalaki ang bumisita sa bahay ni Al Ingking noong ika-1 ng hapon, Hunyo 8, ilang oras bago lumaya ang Cebu 8 sa parehong araw),” ani NUPL.

Dagdag pa, “Not only that the unidentified men asked the members of the household the whereabouts and affiliations of Ingking, these men also expressed threats to his safety- an alarming threat amounting to a commission of a crime (Ang mga lalaki ay hindi lang nagtanong tungkol sa kinaroroonan ni Ingking, kundi nagbanta rin sa kanyang seguridad na maituturing na isang krimen)”

Patuloy ang gagawing pagsubaybay ng mga abogado kung na-harass din ang iba pang mga pinalaya.

We call to stop all forms of threat, harassment, and intimidation against Cebu 8 and their supporters, who are simply exercising their freedom to express their dissent against draconian and anti-democratic measures that curtail our rights and freedoms such as the Anti-Terrorism Bill (Nananawagan kaming ihinto ang pagbabanta, karahasan, at intimidasyon laban sa Cebu 8 at kanilang mga taga-suporta, na ginagawa lamang ang kanilang karapatang malayang makapagpahayag ng saloobin laban sa panunupil ng ating mga karapatan at kalayaan sa anyo ng Anti-Terrorism Bill),” panawagan ng grupo.

LATEST

LATEST

TRENDING