May-ari ng agribusiness, hinikayat ang kabataan na magsaka dahil “sexy” ito

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Farming is a hot career. Let’s continue making farming sexy (Mainit na hanapbuhay ang pagsasaka. Panatilihin natin itong ‘sexy’”.

Iyan ang pahayag ni Agrea International president at founding farmer na si Cherrie Atilano habang hinihikayat ang kabataan na subukan ang pagsasaka bunsod ng new normal dahil sa Covid-19 pandemic.

Sa isang panayam, sinabi ni Atilano na isang essential industry ang sektor ng agribusiness sapagkat maituturing na higit pa sa pangunahing pangangailan ang pagkain.

Aniya, “This new normal demands us to be more resilient (as) individuals. And growing your own food makes you a resilient person in the process (Tinuturuan tayo ng new normal na maging matatag bilang indibidwal. Ang pagtatanim ng sariling pagkain ay senyales ng pagiging matatag)”.

Naging limitado ang pagkain noong enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa paghihigpit sa paggalaw ng tao na malubhang nakaapekto sa ating mga magsasaka sa kanayunan, ani Atilano.

Giit nito, “In the agriculture sector, it wasn’t that easy because the first or two weeks of the lockdown, you know the farmers had no way to bring their produce in the city where we usually supply. Restaurants and hotels and big markets were actually closed so they lost their markets (Sa sektor ng agrikultura, hindi naging madali ang unang at pangalawang linggo ng lockdown para sa mga magsasaka dahil hindi nila nadala ang kanilang mga suplay sa lungsod. Sarado ang mga kainan, hotel, at malalaking palengke na kadalasang bumibili ng kanilang mga produkto).”

Ikinuwento din Atilano na nabulok lamang ang mga produktong inani ng mga magsasaka noong panahon ng pag-aani sa unang dalawang linggo ng ECQ.

Ang paglahok sa agribusiness ay magbibigay ng lunas di umano sa mga problemang naranasan ng mga magsasaka noong ECQ upang mas mapaigting ang sistema ng pagkain sa bansa.

Tumatanda na rin daw ang mga magsasaka sa bansa. Ang average na edad ng isang magsasaka sa bansa ay 58-anyos, habang 60-anyos naman sa buong mundo.

Not a lot of young people are interested in going into farming. So during this COVID-19 lockdown, it’s just like making people realize that… How important food is, how important agriculture is (Wala gaanong kabataang nagkaka-interes sa pagsasaka. Sana ngayong lockdown, mapagtanto nila kung gaano kahalaga ang pagkain at agrikultura)” pagbibigay diin ni Atilano.

Ayon kay Atiliano, na 22 taon nang nasa sektor ng agribusiness, “The moment you grow your own food it’s so sexy you know growing your own food… you know where your food is coming from and it’s a power that you can actually live with what you have in terms of farming or what you harvest (Maituturing na ‘sexy’ kapag nagtatanim ka ng sarili mong pagkain dahil alam mo kung saan iton nangggaling at mapagtatanto mo na puwede ka pa lang mabuhay mula sa mga tinanim mo)”.

Kamakailan ay iniulat ng Department of Agriculture (DA) na aabot sa P5.4 bilyon ang naging produksyon ng mga magsasaka at mangingisda na naibenta sa mga tao sa kalagitnaan ng pandemiya.

Ipinapatupad din ng ahensya ang programang “Kadiwa ni Ani at Kita” upang matulungan ang mga magsasakang ibenta ang kanilang mga produkto ngayong panahon ng krisis.

LATEST

LATEST

TRENDING