Kaso ng Covid-19 sa mundo pumalo na sa 7M; Mahigit 407,000, namatay

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Carlos Jasso

Umabot na sa 407,914 ang bilang ng mga buhay na binawi ng Covid-19 sa buong mundo batay sa datos noong Hunyo 9.

Papalo naman sa 7,169,550 cases ang naitatalang mga kaso ng Covid-19 sa 196 na mga bansa at teritoryo. Sa bilang na ito, 3,148,200 ang gumaling.

Subalit, estimasyon lamang ang bilang na ito sa tunay na bilang ng mga Covid-19 cases. Sympomatic cases o may mga pasyenteng may sintomas lamang ang tinitest sa maraming mga bansa.

Ang Estados Unidos ang nangununa bilang pinakamalubhang timaan ng nakamamatay na sakit kung saan naitala ang 111,375 na nasawi mula sa 1,968,221 cases.  518,522 katao naman ang gumaling.

Kasunod ng Amerika, ang iba pang mga bansang may malalang sitwasyon ay ang Britanya na may 40,883 deaths mula sa 289,140 cases; Brazil na may 37,134 deaths mula sa 707,412 cases; Italy na may 34,043 mula sa 235,561 cases, at France na may 29,296 deaths mula sa 191,394 cases.

Ang bansang may pinakamataas na bilang ng nasawi kumpara sa populasyon nito ay ang Belgium, na may 83 fatalities sa bawat 100,000 na residente. Sinundan ito ng Britanya na may 60, Espanya na may 58, Italy sa 56, at Sweden sa 47.

Ang China, kun saan nagmula ang pandemiya, — maliban sa Hong Kong at Macau – ay kasalukuyang nakapagtala ng 4,634 deaths at 83,043 infections na may 78,351 recoveries. 

Ang kabuuan naman ng Europa ay may 184,807 deaths mula sa 2,308,977 cases, habang ang US at Canada ay may 119,316 deaths mula sa 2,064,835 na mga kaso. Ang Latin America at Caribbean ay may 67,191 deaths mula sa 1,365,832 cases; Asia sa 20,167 deaths mula sa 719,876 cases, Middle East sa 10,790 deaths mula sa 499,044 cases, Africa sa deaths mula sa 202,345 cases, at Oceania sa 131 deaths mula sa 8,648 cases.

Ang mga datos na ito ay estimasyon lamang dahil posibleng magbago pa ang mga bilang dahil sa pagtatama ng mga awtoridad sa datos o di kaya ay bunsod ng late publication.

LATEST

LATEST

TRENDING