Karahasan kontra kabataan at kababaihan, laganap noong lockdown

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Simula noong nag-umpisa ang lockdown, libu-libong kaso ng karahasan kontra babae at bata ang naitala sa Philippine National Police.

Ayon sa ika-11 na ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, 1,954 na kasong karahasan kontra kababaihan habang 1,754 na kasong karahasan sa mga bata ang naitala ng PNP.

Ayon sa pangulo, kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang kapulisan sa mga pamahalaang lokal upang maprotektahan ang mga karapatan ng kabataan at kababaihan.

Ang Philippine Commission on Women ay patuloy naman sa pagsagot ng mga katanungan online.

Hinikayat ng Malacañang ang mga naging biktima ng karahasan na agarang ipagbigay-alam sa mga awtoridad kung sino ang salarin upang sila ay mapanagot sa ilalim ng batas.

“Ireport po ninyo yan para maimbestigahan at maparasuhan iyong gumagawa ng ganitong abuso,” ani Presidential Spokesman Harry Roque.

“Nakakalungkot po yan na habang tayo ay nasa quarantine, sama-sama nga ang pamilya eh ngayon pa po tumaas ang bilang [ng kaso],” dagdag pa nito.

Naunang tinawag ng Commission on Human Rights (CHR) ang atensyon ng administrastong Duterte tungkol dito at iminungkahing protektahan ang mga karapatan ng kabataan at kababaihan sa kalagitnaan ng lockdown.

LATEST

LATEST

TRENDING