Duterte: Libreng WiFi sa mga paaralan, ilulunsad

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Magbibigay ng libreng internet ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mga paaralan katuwang ang iba pang mga ahensyang pang-edukasyon alinsunod sa pagtransyisyon sa online o digital learning, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

In line with the shift to alternative modes of learning such as online or digital learning, the DICT directed its regional offices to coordinate with the DepEd (Department of Education), Commission on Higher Education, SUCs (state universities and colleges), and other educational institutions for the prompt installation and deployment of the Free WiFi Internet Access Service (Dahil sa pagtransisyon patungo sa online o digital learning,  inatasan ng DICT ang mga regional offices nito na makipag-ugnayan sa DepEd, CHED, SUCs, at iba pang institusyong pang-edukasyon para sa agarang instalasyon ng libreng WiFi” ani Duterte.

Ang libreng internet access program ay nakalinya sa DICT Memorandum na “Providing Adequate Free WiFi/Internet Access and connectivity for Public Educational institutions.”

Naunang tinanggihan ng pangulo ang pisikal na pagdaraos ng mga klase hangga’t wala pang bakuna kontra Covid-19.

Ito ay nag-udyok sa iba’t-ibang awtoridad sa edukasyon na magpatupad ng alternatibong paraan ng pagtuturo tulad ng blended at distance learning, pat na rin ang homeschooling.  Iminungkahi rin ang pamimigay ng printed materials sa mga estudyante at paggamit ng online learning platform, telebisyon at radyo sa pagtuturo.

Ang mga alternatibong ito ang tanging pagpipilian ng mga ahensya habang hindi pa ligtas ang pisikal na pagdaraos ng klase, giit ng pangulo.

Ang pagbubukas ng pasukan sa pangunahing antas ay itinakda sa Agosto 24, 2020. Ang huling araw naman ng klase ay sa Abril 30, 2021.

LATEST

LATEST

TRENDING