Patarakaran ng gobyerno sa pagbiyahe, nagdulot ng kalituhan sa airlines at pasahero

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Kalbaryo ang dinaranas ng ilang mga stranded na Pilipino sa bansa at abroad dahil sa kalituhan tungkol sa mga patakarang ipinatutupad ng pamahalaan at ang kakulangan sa kapasidad nito na makapagtest para sa Covid-19.

Isang linggo matapos ipatupad ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila, hindi pa malinaw sa mga airlines at shipping companies kung saan sila makakapagsagawa ng operasyon.

Dagdag pa, ang mga tinatanggap lang na mga papasok sa bansa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay nasa 600 bawat araw kumpara sa dating 200,000 bago ang Covid-19 pandemic.

Ibinunyag ang mga problemang ito sa isang online meeting ng mga mambabatas na pinangunahan ni Rep. Edgar Sarmiento, pinuno ng transportation committee sa Kamara.

Nadismaya si Sarmiento dahil sa kawalan ng koordinasyon sa pagitan ng nasyonal at lokal na pamahalaan at sinabihan itong resolbahin ito.

Please understand that airline companies and almost all industries—[all of] humanity—for almost two and half months, practically never did anything but to be quarantined (Sana ay maunawaan ninyo na halos lahat ng industriya kabilang ang airlines ay nagtigil-operasyon dahil sa quarantine nang mahigit dalawa at kalahating buwan)” tugon ni Sarmiento kay Interior Undersecretary Rico Echiverri.

Ipinaliwanag naman ni Echiverri na hindi kaagad ipinatupad ng mga pamahalaang lokal ang mga guidelines na inilabas ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Once a guideline is issued by the [task force], in the first two weeks, local governments tend to have their own interpretation… But once they are reminded by the regional directors, they tend to follow at once (Hindi sinusunod ng mga LGU ang mga inilalabas ng IATF sa unang dalawang linggo dahil may sarili silang interpretasyon… Subalit sumusunod naman sila kaagad kung pinapaalalahanan ng regional directors,” ani Echiverri.

Sa hindi pagkakaunawaan sa pagpapatupad ng guidelines, ang mga airlines, shipping companies at biyahero ang nagdurusa. Noong Hunyo 2 halimbawa, habang nagbebenta ng tickets ang mga airlines, nag-anunsyo ang  Civil Aeronautics Board na makakalipad lamang ang mga airlines sa mga lugar na may pahintulot mula sa mga pamahalaang lokal.

Pinapapayagan alinsunod sa itinakdang patakaran, ang mga lokal na pamahalaan na tanggihan ang mga flights mula sa ibang lungsod na may mataas na Covid-19 cases at magpatupad ng mga karagdagang requirements bukod sa medical certificate at authority to travel.

Dahil Metro Manila ang sentro ng pandemiya sa bansa, ikinansela ang Cebu Pacific flight pantungong General Santos City noong Hunyo 2, subalit hindi ito ipinagbigay-alam kaagad sa mga pasahero. Pinayagan namang makalipad ang airline kinalaunan matapos umapela.

Ayon kay Jim Sydiongco, director-general ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), 13 mula sa 40 commercial airports ay tumatanggap ng mga domestic flights.

Bukod sa NAIA at Clark International Airport sa Pampanga, ang iba pang kabilang na mga paliparan ay ang nasa Romblon, Naga, Cauayan, Palanan, Marinduque, Laguindingan, Camiguin, Dipolog, Pagadian at General Santos.

Ang mga paliparan sa Davao, Cotabato and Zamboanga ay nagbukas noong Hunyo 8, habang ang Iloilo at Tacloban ay sa susunod na Martes.

Nahihirapang umuwi ang mga balikbayan dahil sa 600 na limitasyon sa NAIA alinsunod sa kapasidad ng Department of Health (DOH) na makapagtest sa Covid-19,  ayon kay to Roberto Lim, vice chair ng Air Carriers Association of the Philippines.

Iminungkahi ni Lim na magbukas ng iba pang mga gateways para mga papunta ng bansa upang mas mapabilis ang pagproseso ng repatriation ng mga magsisiuwian sa bansa.

Sa isang pagpupulong sa Kamara, iminungkahi ng ilang mambabatas ang pagpasa ng resolusyon na magpapahintulot sa DOTR na ipag-utos ang pagpapatupad ng mga detalyadong seat plans sa lahat ng pampublikong transportasyon upang makatulong sa contact tracing.

LATEST

LATEST

TRENDING