MMDA: Modified number coding scheme, ihihinto mula simula Hunyo 8

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Inanunsyo ni Metro Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago na susunpendihin muna ang modified number coding scheme simula Hunyo 8, isang linggo makalipas ang pagdedeklara ng general community quarantine (GCQ) sa Kalakhang Maynila.

Aniya, “Sa ngayon ho hindi muna ii-implement and modified number coding scheme bukas (Hunyo 8), until further notice“. 

Ang dahilan sa hakbang ay ang patuloy na pag-deploy ng mga bus para may masakyan ang mga stranded na pasahero dahil sa kawalan ng pampublikong transportasyon.

Marami pa rin po tayong mga kababayan na nahihirapang sumakay under GCQ…ayaw po muna nating bigyan ng dagdag isipin ang mga motorista, kasabay po nito ang pagkumpleto ng DOTr (Department of Transportation) and LTFRB (Land Transportation Franchising and Regulatory Board) ng mga ruta na nangangailangan pa ng mga buses para ho sa mga stranded passengers,” giit ni Pialago.

Sa ilalim ng modified number coding scheme, maaaring bumiyahe ang coding na sasakyan sa kondisyong may dalawa o mahigit pa itong pasahero, kasama na ang drayber. Sa ma non-coding days naman, maaaring gamitin ang sasakyan nang walang limitasyon.

Ang pagpapatupad ng modified coding scheme ay alinsunod sa inilabas na MMDA Regulation No. 2020-001, Series of 2020, na binalangkas ng mga alkalde ng Metro Manila noong Mayo 26.

Hindi naman saklaw ng modified coding scheme ang mga sasakyang ginagamit ng mga health workers.

Mahigpit pa rin ang pagpapatupad ng social distancing at pagsusuot ng face mask.

LATEST

LATEST

TRENDING