Catriona Gray, ia-auction ang ilang kagamitan para sa mass testing

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Miss Universe 2018 Catriona Gray

Inanunsyo Miss Universe 2018 Catriona Gray na ia-auction niya ang ilang mga personal na kagamitan at igugulo ang nakalap na kita para sa Covid-19 testing.

Ang mga kagamitan ay ibebenta sa Shop and Share Store, isang proyektong inilunsad ng mga aktres na sina Angel Locsin and Anne Curtis.

Ang Shop and Share Store ay nagsisilbing platfrom para sa mga aktor, singer, at atleta na i-donate ang kanilang mga personal items, katulad ng designer bags, mag damit, clothes, jerseys, at alahas, kung saan ia-auction ito sa e-commerce platform na eBay.

Ayon kay Locsin, ang perang makakalap ay gagamitin sa pagbili ng mga Covid-19 test kits upang mas mapalawak ang testing sa bansa lalo na sa mga mahihirap na panig nito.

Ang iba pang celebrities, katulad nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Tony Labrusca, at Zsa Zsa Padilla, ay mag-a-auction din ng kani-kanilang mga personal na kagamitan bilang pagsuporta sa proyekto.

LATEST

LATEST

TRENDING