CAAP-Davao: 350 na pasahero lang ang papapasukin sa paliparan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Ace Perez

Lilimitahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)-Davao sa 350 na mga pasahero ang maaaring pumasok sa Francisco Bangoy International Airport o Davao International Airport bunsod ng muling pagbubukas ng mga domestic flights sa Hunyo 8.

Ito ay upang striktong maipatupad ang physicial distancing, ayon kay CAAP-Davao passenger terminal supervisor Alex Suarez.

Noong Mayo, nakapag-accomodate daw ang paliparan ng kabuuang 347 na sweeper flights dahil lahat ng gate lounges ay binuksan. Tatlo hanggang apat na upuan ang pagitan ng bawat pasahero sa loob ng paliparan

For now, we only have one flight per day. On June 8, Philippine Airlines will serve the Davao-Manila flight and vice versa (Sa ngayon, isang flight lamang bawat araw. Sa Hunyo 8, magbabalik-operasyon ang Philippine Airlines para sa Davao-Manila flight at vice versa), then alternate na yan sila with other airlines Cebu Pacific and Air Asia,” ani Suarez.

Dadaan muna sa itinayong health screening at sanitation booth ang mga pasaherong papasok ng paliparan upang makuha ang kanilang temperatura. Magbubukas ang berdeng ilaw bilang senyales sa pagpasa sa health screening, habang pulang ilaw naman kung hindi.

Magpapakalat din ng mga security guards sa bawat sulok ng paliparan upang matiyak ang pagsunod sa mga health protocols.

“Kailangan din po nakamask po upon entering the booth because it will detect if you are not wearing one (Dapat naka-mask pagpasok ng booth dahil malalaman nito kung wala kang suot),” dagdag pa ni Suarez.

Sakaling hindi makapasa sa screening ang isang pasahero, siya ay papupuntahin sa isolation facility sa loob ng airport.

But we can only accommodate four persons in the facility, so we requested additional facilities to be established here and Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio promised to install another one (Subalit, apat katao lamang ang kayang hawakan ng pasilidad kaya humingi kami ng mga karagdagan at nangako naman si Mayor Sara Duterte-Carpio na magbibigay ito ng isa pa),” giit ni Suarez.

Sa pagdaan sa metal detector, oobserbahan ng mga security personnel ang “no-touch policy”.

Paglilinaw naman ni Suarez, “But kung mag alert ang metal detector, that’s the time they will body check the passengers but the security personnel are wearing personal protective equipment (ito ang hudyat ng pagkuha ng temperatura ng pasahero subalit nakasuot sila ng mga PPE).”

Magsasagawa rin ng disinfection sa airport bago at pagkatapos ng bawat flight.

Iminungkahi naman ni Mayor Duterte-Carpio na itakda sa Hunyo 22 ang pagbabalik ng mga international flights.

Naunang sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Arthur Tugade na magbabalik ang mga commercial flights sa Hunyo 1. Subalit, nakiusap si Mayor Duterte-Carpio na ipagpaliban muna nang lima pang araw upang maihanda ang mga pampublikong transportasyon sa lungsod.

Matatandaang sinuspinde ang mga flights sa paliparan ng Davao noong Marso 19 dahil sa pananalasa ng Covid-19 pandemic.

LATEST

LATEST

TRENDING