Angel Locsin, bumuwelta kay Sen. Tito Sotto

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Bumuwelta ang aktres na si Angel Locsin sa ginawang pag-like ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa isang tweet na nagsasabing taga-suporta ng New People’s Army (NPA) si Angel.

Aniya, “I saw that you liked this tweet (Nakita kong ni-like mo itong tweet)”, sabay tinag ang account ng senador. Dagdag pa ni Angel, “I will never support terrorists, nor will I ever support any kind of violence(Hindi ko susuportahan ang mga terorista o kahit ano man uri ng karahasan)”.

You have the right to like any tweet. And we have the right to voice out our opinions. I hope we don’t get tagged as terrorist for doing so. Thank you (May karapatan kang mag-like ng tweet. At may karapatan din kaming magpahayag ng opinyon. Sana hindi lang kami mabansagang terorista dahil dito. Maraming salamat,)” pagbibigay diin ni Locsin. 

Naging maingay ang aktres sa kanyang pagtutol sa pinapanukalang Anti-Terror Bill kung saan principal na awtor nito si Sotto.

Ang Anti-Terrorism Act of 2020 ay magbibigay ng karagdagang kapangyarihan sa mga awtoridad upang magsagawa ng mga warrantless arrest sa mga pinaghihinalaang salarin at mag-write tap sa mga pinaghihinalaang terorista.

Ang naturang panukala ay umani ng batikos mula sa ilang grupong pangkarapatan.

Mariin ang tindig ni Angel sa pagbabasura sa nasabing bill.

Sinagot naman ng Malacañang ang mga kritisimo tungkol dito at igniit na hindi babalewalain ng isinusulong na batas ang karapatang makapagpahayag nang malaya.

Dinipensahan din ng Palasyo ang ginawang pagsertipika bilang “urgent” sa Anti-Terror Bill ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil apat na taon na raw itong nakabinbin sa Kamara.

LATEST

LATEST

TRENDING