WHO: Kaso ng Covid-19, patuloy ang pag-akyat sa ilang bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Eloisa Lopez

Ilang bansa ang nakaranas ng manaka-nakang pagtaas sa mga kaso ng Covid-19 kasabay ng pagpapagaan ng lockdown sa ilang bahagi ng mundo, ayon sa World Health Organization (WHO).

Dahil dito, kinakailangan pa rin aniyang paigtingin ang testing. Ang kasalukuyang sentro ng pandemiya ay matatagpuan sa mga bansa ng Central, South at North America partikular na ang Estados Unidos, ayon kay WHO Spokesperson Margaret Harris.

On upticks (in cases), yes we have seen in countries around the world – I’m not talking specifically about Europe – when the lockdowns ease, when the social distancing measures ease, people sometimes interpret this as ‘OK, it’s over‘ (Nagkaroon ng mga panaka-nakang pagtaas ng mga kaso sa ilang bansa sa mundo hindi lamang sa Europa. Iniisip ng ilang tao na maayos na tayo bunsod ng pagpapagaan ng lockdown),” dagdag ni Harris sa isang UN briefing sa Geneva.

It’s not over. It’s not over until there is no virus anywhere in the world (Hindi pa tapos. Matatapos lang ito kapag wala nang virus sa mundo),” giit ni Harris.

Pinaalalahanan din ni Harris na mag-ingat pa rin tuwing lalabas ng tahanan. Ito ay pagtugon niya sa mga lumahok sa kaliwa’t-kanang protesta sa Amerika dahil sa pagpaslang kay George Floyd.

Aniya ,”We have certainly seen a lot of passion this week, we’ve seen people who have felt the need to be out and to express their feelings… We ask them to remember still protect yourself and others (Nakita natin na maraming tao ang lumabas upang magprotesta at ipahayag ang kanilang mga saloobin… Gayunpaman, kinakailangan pa ring protektahan ang sarili at ang ibang tao)”.

Upang maiwasaan ang hawaan, nag-abiso ang WHO na magpanatili ng distansiyang di bababa sa isang metro, ugaliin ang tamang paghuhugas ng kamay, at iwassan ang paghawak sa bibig, ilong, at mata.

LATEST

LATEST

TRENDING